Jazs Hindi ako agad nakapag react ng tumigil yung sasakyan ni Railey. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin pero parang hindi ko ata masisira ang maganda niyang mood ngayon dahil imbis na mag paliwanag ay basta na lang niya akong kinaladkad ulit papalabas. Pagka pasok pa lang namin sa loob, pinag tinginan na kami. Actually, hindi ako. Kundi sa kanya. "Ahm, g-gusto mo bang sa iba na lang tayo kumain?" humawak ako sa braso niya pero nangunot lang ang noo niya. "Ah…Eh…B-baka lang hindi ka sanay kumain sa ganitong lugar?" Nilibot ko ang lugar. Jollibee is a nice place. Actually, kung gusto mong makalimutan ang problema mo e, isa ito sa dapat mong puntahan bukod sa maraming tao talaga, ang dami ding batang amazed na amazed kay Jollibee. Para bang kayang-kaya ni Jollib