“Atlas…” Wala akong ibang masabi kung hindi ang pangalan niya. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapunta rito at ginamit niya pa ang kapatid ko para lamang malinlang ako. Tumayo si Atlas sa kanyang pagkakaupo. Naandito rin ang ilang tauhan niya bukod kay Kuya. Naglakad siya papalapit sa akin kaya’t umatras ako. Normally, hindi talaga ako papasindak. Ngunit alam ko na hindi si Atlas iyong dapat kinakalaban. Because if he doesn’t like you, he can erase you by all means. Kung hindi pabor sa kanya ang ginawa mo, maaari ka na lamang paglamayan mamaya. “Why are you ignoring my calls and texts, Adira? Masyado ka na atang natutuwa sa trabaho mo kay Hati at nakakalimutan mong hawak ko ang buhay ng kapatid mo at may kasunduan tayo.” Tumingin pa si Atlas kay Kuya ngunit hindi ko nagawang tingn