Sabay kaming pumasok ni Sir Hati sa opisina. Wala namang magbibigay malisya kung may makakita kasi sekretarya naman niya ako. Lagi talaga kaming magkasama dahil ako ang nag-aayos ng schedule niya. “Sir, meeting with the Benavidez…today.” Para akong natigilan nang makita ko ang apelyido niya. Tumingin ako sa kanya na parang naguguluhan. Sinong ka-meeting niya? Sarili niya? Joke, alam kong mga kamag-anak niya. “Okay.” Sumakay na siya sa elevator kaya’t sumunod ako. Bakit biglang ang cold niya? Kanina lamang ay walang humpay niya akong inaasar, ah? “Sige po, Sir. Kukunin ko lang po ang mga gamit ko at pupunta na agad ng meeting room—” “You don’t have to be there.” Nilingon niya ako at tinaasan ng isang kilay. “Hindi naman tungkol sa kompanya ang pag-uusapan namin, kaya okay lang kung wala