Tahimik lamang ako hanggang makabalik kami sa hotel. Minsan ay napapansin ko ang paglapit at pakikipag-usap sa akin ni Hati ngunit matipid lamang akong ngumingiti o tango pero hindi nagsasalita. Wala akong ganang makipag-usap dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi sumabay si Sir Avion sa amin papunta ng hotel room kaya’t kami na lamang ang magkasama ngayon. “Why are you so quiet, hmm?” tanong niya sa akin habang inilalapit ang kanyang labi sa may buhok ko. Umiling lamang ako bilang sagot sa kanya. Tumigil si Hati sa paglalakad kaya’t nauna na ako. Gusto ko na lamang magpahinga ngayon. Pakiramdam ko ay sobrang pagod ako, physically and emotionally. “If you’re thinking about what Carlito Falcone said earlier, I am not going, Adira.” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang bose