“Anong g-ginagawa n’yo rito?” I stuttered at the middle of my sentence. Nanginig ang katawan ko dahil din sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan na pupunta si Sir Hati rito. Bukod pa roon…kasama niya si Levi at ang aking kapatid na si Anica. My stomach is twisting…in a good way. Iyong lungkot na dinadamdam ko kanina ay para bang idinahilan ko lamang at hindi ko naman tunay na naramdaman. “You told me you’re alone. Hindi rin naman kami mag-e-enjoy ni Levi kung kami lamang dalawa sa condo ko. Sinundo namin si Anica para isama rito dahil narinig ko na iniwan siya ng mama mo sa tita mo. Hindi ko nga lang naisama si Marc dahil natutulog na ito.” Tipid na ngumiti si Sir Hati sa akin. “I hope it’s okay with you if we spend Christmas here.” Umawang ang labi ko pero kaagad ko rin itong itinikom. Ibin