"Until 11pm lang ako ha," ani Jasper sa mga kapatid habang nasa isang Bar club . Ang sabi hindi sasama si Jigger at Trigger kaya napilitan na s'yang sumama pero bago pa lang nag iinit ang puwet n'ya sa upuan dumating sina Trigger at Jigger na may dalang babaeng ka date.
"Ang OA naman napaka aga nun." reklamo ni Jansen.
"Tol, nakakadilig na ulit ang utol mo kaya uuwi talaga yan ng maaga nag papalapad ng papel." biro naman ni Cloud.
"Ulol! Hindi n'yo ako ma iintindihan dahil wala pa kayong mga asawa. Mag-asawa na kasi kayo matatanda na kayo." wika ni Jasper na naiiling na lang.
"Ayan na s'ya." bulong ni Jansen na tinabig sa braso ang panganay na kapatid. Sabay-sabay pang napalingon silang lahat ng isang babae ang lumapit na may dalang parang notebook at ballpen. In other term mukhang waitress ito sa club na yun base na din sa suot nitong uniform na mas maahaba pa ang apron kesa sa skirt na suot.
"Hi! I told you, mag kikita pa tayo." wika naman ni Jansen. Ngumiti naman si Jordan ng alanganin ng makita si Jansen na 'di talaga n'ya ini-expect na makikita sa lugar na yun at may kasama pa itong mga guwapong lalaki na mga mukhang mga artista na tulad din nito.
"Ano pong order nila?" tanong na lang ni Jordan na sabay-sabay nilang ikina-ungol dahil hindi n'ya pinansin ang sinabi ni Jansen na ngumisi pa.
"Tol' mukhang ipinanganak na ang babaeng hindi tinatalaban ng charm mo." ngumisi naman si Jansen na tumayo at nilapitan ang babaeng tumaas lang ang kilay pero naka ngiti. Aliw na aliw naman ang mga lalaking kasama ni Jansen na nakatingin sa kanila. Bahagya naman s'yang nakatingala ng konti sa binata na hindi n'ya inaasahan ang kasunod nitong gagawin.
"Talaga bang immune ka sa charm ko kahit gawin ko to." napasipol at napapalakpak sila lahat ng biglang halikan ni Jansen ang babae. Lalayo na sana ang kapatid pero pinigilan ng babae sa batok ang kapatid nilang si Jansen at ito naman ang humalik sa kapatid n'ya na ikinasigaw nilang barkada. Abot tenga naman ang ngiti ni Jansen na napakagat labi pa na nakatitig kay Jidosha. Sinasabi na nga ba n'ya pakipot lang ito.
"Tangi** tigasan yata ako." wika ng jordan na ikinatameme nilang lahat habang kunot noon naman si Jansen at 'di agad nag sink in sa isip n'ya ang sinabi nito.
"By the way Jordan Ortega sir, at your service. Ayoko sana sabihin to sir," wika pa ni Jordan na nakangiti.
"Hindi tayo talo sir pero ang sarap mong humalik, pero kung gusto mong mag short time with me puwede naman sa puwet kung gusto mo." halos gumulong sa kakatawa ang mga kapatid ni Jansen ng maintindihan ang sinabi ng babaeng hinalikan ng kapatid na hindi talaga inaasahan na bakla pala, ang ganda kasi talaga nito parang babaeng-babae. Talagang nakakadaya ng hitsura ang madilim na ilaw kapag nasa loob ka ng isang club.
Gusto naman matawa ni Jordan sa naging hitsura ni Jansen na parang biglang na turn-off sa kaalaman na bakla s'ya. Ang lakas pa ng tawa ng mga kasama nito maging ang mga babaeng kasama ng ibang lalaki na nasa mesa. Tumigil sa pag tawa ang mga ito ng may isang babaeng dumating na bigla naging ka date ni Jansen na halatang pahiyang-pahiya naman. Ano kaya ang tumatakbo sa isip nito ngyon.
"Ilan ang itlog mo?" tanong naman ng lalaki may highlights ang buhok na nag pakilalang Cloud.
"Ilan ba dapat ang itlog ng bakla?" sakay ni Jordan sa mga ito na parang masarap naman kasama kasi mga pala tawa at mabiro.
"Depende kung nag pakapon ka na?" sagot naman ng isang lalaki na crasher ang buhok na ang intindi n'ya Trigger ang sinabing pangalan.
"2 itlog 1 sausage." muling tumawa ang mga ito maliban kay Jansen na halatang nag papanggap na lang na deadma habang na order ang mga kasama nito sa table.
"Ang ganda mong babae pero bakit hindi ka pa nag papalit ng s*x organ?" tanong naman ni Jigger.
"Ang toto n'yang may gilfriend ako mas gusto pa rin n'ya ang sausage ko."mga napapamura ng tawa ang mga ito.
"Kung Jordan ang pangalan mo, ano pangalan mo kapag gabi?" tanong naman ni Jasper.
"Jidosha." sagot ni Jordan sabay lingon kay Jansen na napatingin sa kanya.
"Ayos ah! Napeke mo kami."
"Puwede ba kung tapos ka ng kumuha ng order umalis ka na." taboy naman ni jansen na simangot na simangot. Nag kibit balikat naman si Jordan na tumalikod na after na mag paalam sa mga ito.
"Don't start." banta naman ni Jansen kay Trigger na bubukas na sana ang bibig na napatikom na lang ang bibig na napapangiti.
"Puwede daw naman sa puwet ayaw mo ba?" biro pa ni Cloud na binato naman ni Jansen ng binilot na tissue.
*********
Panay ang sunod ng tingin ni Jansen kay Jidosha na busy sa pag kuha ng order ng mga customer, hindi talaga s'ya makapaniwala na bakla ito. Parang ang hirap paniwalaan lalo na ng mag bihis ito ng maganda noon na sa hotel pa ito at sa alala n'ya sinabi pa nito na may ka date daw ito kaya naka bihis ito ng maganda. Tapos ngayon naging bakla ito bigla nakakagalit lang talaga kahit saan angulo n'ya ito tingnan babae ito. Nabitin sa ere ang iinumin n'ya ng makitang ng bigla na lang nitong binitawan ang hawak na tray at pinatong sa ibabaw ng counter after nitong sagutin ang phone nito saka nag tatakbo palabas ng club, ano kayang emergency bakit bigla na lang itong tumakbo. Tatayo na sana s'ya para sundan ito dahil ewan ba n'ya nag-alala s'ya bigla pero nagulat s'ya ng tumaob ang babaeng katabi na lasing na pala at nalimutan na n'ya bigla kaya napalingon na lang s'ya sa exit ng club. Ano kaya ang nangyaring emergency.
Pakiramdam ni Jordan pinag sakluban na s'ya ng langit at lupa sa patong-patong na problema na kinahaharap n'ya ngayon. Ang papa kasi n'ya nag commit ng suicide dahil na hihiya na daw ito sa kanya dahil masyado na daw itong pabigat sa kanya. Kaya ininom na nito ang lahat ng maintenance drugs na iniinom kaya na overdose ito buti na lang daw nakahingi ng tulong ang ina sa patrol ng brgy at nadala agad ang ama sa hospital at naagapan, Kaso dahil emergency sa private hospital ito nadala ng ina wala pang 24hrs ang na naka admit ang ama 37k na agad ang billing nila at wala s'yang ganun kalaking pera dahil wala naman s'yang savings talaga dahil lahat ng sweldo n'ya na uubos dahil bago pa man s'ya maka sweldo ang dami na n'ya utang sa paligid-ligid na agad n'yang binabayaran. Kung wala siguro s'yang extra income baka hindi na nakakapasok ang tatlo n'ya kapatid.
Napahinto s'ya pag lalakad ng maramdaman ang patak ng ulan at napatingin sa kalangitan. Wala pa naman s'yang dalang payong at may kalayuan pa ang sakayan ng jeep, papuntang hospital puro taxi at grab lang ang nadaan sa kalsadang iyon. Hindi n'ya kayang sumakay ng taxi o grab ngayon limited na lang ang budget n'ya. Nang mag simula na s'yang humakbang tuluyan ng bumuhos ang biglaang ulan at para s'ya na estatwa na lang na parang hindi na ulan pero inis na s'yang tumingala sa langit. Ayaw n'yang magalit pero hindi n'ya mapigilan dahil lahat naman ginawa na n'ya. Naging mabuti naman s'yang anak pero bakit puro pahirap na lang ang binibigay sa kanya.
"Talaga ba Papa Jesus! Hindi n'yo man lang muna ako pinasakay ng jeep bago kayo nag paulan. Kainis naman kayo! Konting awa naman po, kahit konti lang naman." napapikit na napayuko na lang si Jordan na sinapo ang noo napataas lang ang tingin n'ya ng makarinig ng sunod-sunod na busina. Isang magarang wrangler jeep na kulay itim ang nasa gilid ng kalsada ang nabusina, Bumukas ang pinto nun sa passenger seat at nakita n'ya si Jansen. Ang taong sagot sa lhat ng problema n'ya umoo lang s'ya tapos na ang lahat ng problema nya.