"Ano balak mo d'yan ka na ba matutulog?" inis na tanong ni Jansen dahil 30 minutes ng nasa banyo si Jordan. "Sabihin mo lang kung mag papasok na ako ng unan at kumot d'yan." inis naman na napatingin si Jordan sa saradong pinto habang nag susuklay ng buhok. Talagang ngayon s'ya nag sisi kung bakit ba s'ya pumirma ng kontrata dito, kung puwede lang n'ya isumbong ito sa sarili nitong ama ginawa na n'ya kaso baka maging hudyat pa iyon ng tuluyan n'yang pagka terminate. Strictly prohibited ang office romance pero nagulat talaga s'ya ng bigla itong sumulpot sa department nila at tinulad nito ang pamamalo sa ulo n'ya sa ulo ng mangaer n'ya na bahagyang ikinataba ng puso n'ya. Nainis lang talaga s'ya sa tabas ng bibig nito at sa idea na iniisip nito. Inaakala nitong sinadya n'yang mag papansin