Napa preno sa pag lalakad si Trigger na pababa na sana ng marinig ang mga boses na parang may pinupuring babae. Kaya naman napabalik si Trigger para silipin ang isang guess room na bahagyang naka bukas ang pinto at tanaw n'ya na nasa loob ang mga pinsan n'yang babae na parang may pinupuri. "Ano naman ginagawa mo dito?" nagulat pa si Trigger ng biglang bumukas ang pinto at bumungad si Jupiter. "Oi! Bakla nandito ka din pala, sinong nag invite sa'yo." ani Trigger na may pag palo sa sa balikat ni Jupiter na napatingin sa balikat na hinampas ni Trigger. "Umayos ka nga nakakadiri ka." irap ni Jupirter na tumalikod na alanganin naman na pumasok si Trigger sa kuwarto saka nahawi ang mga pinsan saka s'ya napatingin sa reflection ng isang babae sa harapan ng isang salamin. "Anong masasabi mo s