KABANATA 2

2037 Words
KABANATA 2 HINDI MAGKAHULUGANG KARAYOM ang bilang ng mga casualty na sunod-sunod na pumasok sa Aidien General Hospital. Halos mapuno ang Emergency Room maging ang ICU sa bilang ng mga pasyenteng napuruhan sa naganap na pagsabog sa isang grand casino dahil daw sa mga nag-amok na terorista roon. Hindi pa matukoy ang dahilan, pero nakikinita na patungkol ito sa politika. "s**t! Marami pa ang parating, Doc! Halos pumila na rin sa hallway ang iba pang kakarating," halo ang pagod at frustration sa boses ng kaibigang doktor ni Isiah na si Allie Justo habang kausap ang DON nilang si Rimuel Eleazar. Medyo tipsy pa sila dahil sa mga naimon nila kanina sa party, kung kaya mas dumadagdag ang kanilang frustration. "Where's Isiah? Kayo na munang dalawa ang bahala sa mga pasyente sa hallway. We'll do our best here sa Emergency Room, habang kayo — kasama ang mga trainee para alalayan kayo ay ibsan muna ang sugat na natamo ng mga pasyente na nakapila," mahabang litaniya ni Rimuel habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Allie, kapwa sila nakatingin sa mga mata ng isa't-isa. "Calm down, sweetheart. You can do it, okay?" Wala sa sariling tumango si Allie sa sinabi nito. Nag-aalala at kinakabahan man, nakatulong ang mga sinabi ni Rimuel para maibsan ang nadarama nitong tensiyon. Ang ayaw pa naman sa lahat ng binata ay kapag maraming nagpapanik sa paligid nito. Nahahawa kasi si Allie kapag ganoon. "Okay." Sinubukan nitong maging mahinahon at ngumiti kay Rimuel. "Salamat." Rimuel kissed Allie at his forehead, hindi na naalala kung saan sila dahil alam ni Rimuel na kailangan iyon ng kasintahang si Allie. Yeah, these two handsome men are dating. They are college sweethearts. "Good boy." Marahang tinapik ni Rimuel ang pisngi ni Allie at binigyan ito ng kalmadong ngiti. Pagkuway, tumalima na si Allie para hanapin ang kaibigang si Isiah na noo'y nasa isa sa mga Intensive Care Unit kasama ang ilan nilang chief nurse at mga nurse. "Doc," tawag ni Allie sa atensiyon ng isa nilang DON. "Hiramin ko lang po si Doc. Isiah. We need to check other patients on the hallway." Tumingin muna ang DON sa sitwasiyon sa ICU bago seryoso na bumaling muli kay Allie. "Okay, I'll give you my go signal." The DON tapped Allie’s shoulder for encouragement. "We can do this, Doc." Pagkasabi noon ay tinawag na ni Allie ang kaibigan, maging ang ilang trainees para puntahan ang mga nakapila pang mga sugatan. Malayo pa lang ay dinig na nila ang mga daing at palahaw ng mga ito. Kabado man ay tinatagan ni Isiah ang sarili, sa mga ganitong sitwasiyon ay masusukat ang kakayahan nila bilang isang mga doktor. "Trainees, samahan niyo si Allie at asikasuhin niyo ang mga nasa kanan. Habang ang ibang trainees ay sasamahan ako para asikasuhin ang mga nasa kaliwa," pagbibigay utos ni Isiah sa mga ito. Nagkatinginan sila ng kaibigang si Allie at marahang tumango sa isa't-isa. Ginawa na nila ang kanilang mga dapat gawin bitbit ang mga paunang lunas para matulungang mabawasan ang mga sugat ng mga pasyente. May ibang huling dumating na malulubha at kinakailangan ng agarang atensiyon, kung kaya dalawa sa mga DON ay kinailangan nila roon. Good thing, ang ibang morning shift na tinawagan for SOS ay agarang pumunta sa hospital para tumulong na rumesponde sa mga casualty ng trahedya. Maghahatinggabi noon nang dumating ang kapulisan at Armed Force para tignan ang nangyayari sa hospital. Anila ay naayos na ang kaguluhan at nadala na ang mga terorista sa piitan kasama ang mga Head of Police. Nataya na ang halos trenta na namatay sa trahedya at lagpas sa dalawang daan ang mga sugatan dahil puno raw talaga ngayong gabi ang casino. Tatlo sa kabilang sa mga namatay ay mga suspek dahil sa nangyaring engkwentro sa pagitan nila ng mga pulis at sundalo. Kabutihang lagpas sengkwenta ay nasa ayos na lagay at kakaunting pasa lamang ang natamo. Naroon na rin ang mga media sa labas para magbalita sa nangyari. Dumating din mismo ang Presidente para tignan ang lagay ng mga nasasakupan nito at sinabing sasagutin na ng Malacañang ang bayarin ng mga ito. Kasama rin ang dalawa nitong mga anak — isa na si Arah Suazon – ay namahagi sila ng mga pagkain sa mga casualty maging sa mga medical staff, police, at mga sundalo. ALA-UNA NG MADALING araw ay gumaan na ang sitwasiyon sa hospital. Nabawasan na rin ang media sa labas at lumipat sa casino kung saan nangyari ang trahedya nang malaman na ligtas na silang kumuha ng scoop doon. Tagaktak ang pawis ay nagpapasalamat si Isiah sapagkat tumulong din sa kanila ang Medical Team ng Armed Force, kung kaya iilang pasyente na lamang ang kailangang respondehen. Nagsidatingan na rin ang ilang mga kapamilya ng mga biktima at halos lamang sa kanila ay may kaya sa buhay. Mga galing ba naman sa casino ang mga naroon. Ang iba roon ay mga business personel at showbiz personel. May iba rin na sibilyan lamang na staff ng naturang casino. "Hey." Bahagyang natigilan si Isiah sa pagdampi ng bulak na may betadine sa sugat ng isang matandang biktima ng may nagsalita sa kaniyang tagiliran. "You look exhausted already, bakit hindi mo pa kinakain ang pagkaing ini-abot sa iyo?" It was none other than Captain Elijah Miguel Eleazar himself. Kanina bago matapos ang hatinggabi ay umuwi na ang pamilya ng pangulo, kasama na roon syempre ang fiancé ni Elijah na si Arah. After they finished giving their service sa mga biktima ay umuwi na ang mga ito at nangakong babalik ng maaga bukas to check on them again. Tumaas ang isang kilay ni Isiah at walang lingon na sinagot ang kapitan. "Marami pang mas kailangang tutukan kaysa ang kumain sa ganitong sitwasiyon, Captain." Hindi man sinasadya, pero may halong pait sa pananalita ni Isiah. Narinig niyang bumuntong hininga ang kapitan at nagtawag ng isa sa mga sundalong nurse para pumalit sa ginagawa niya. Napamaang siyang tinignan ito habang kausap ang babaeng sundalo. "Siya lang ang hindi pa kumakain, mind if you take his place for now?" Agaran na sumaludo ang sundalong nurse sa kapitan at nakangiting sinenyas sa kaniya na ito na ang bahala roon. Magpoprotesta pa sana si Isiah nang magsalita ang matandang pasyente. "Sige na, Dok. Kumain na po muna kayo. Pagod ka na rin," anang matanda sa kaniya at nang lingunin ang mga nakapaligid sa kaniya, kapwa nginitian siya ng mga ito. Kahit ang ibang medical staff ay tinanguan siya para magpahinga na muna. Nakapagpahinga na kasi ang mga kasamahan niya sa tulong ng mga sundalong medic at siya lamang ang tumatanggi sa mga ito kanina. Gutom na rin naman siya dahil inumin lang ang tinira nila roon sa party nila Elijah at Arah, kung kaya wala na siyang nagawa kung hindi pasalamatan ang lahat at magpahinga muna sa saff room. Ang hindi niya lang mahinuha ay kung bakit sumusunod pa rin sa kaniya ang kapitan. Nais man itong patigilin ay tahimik na lang siyang naupo sa isa sa mga sofa roon at mabilisang kinain ang bitbit na burger at float. The captain stood at the staff room’s door, sumandal doon habang magkakrus ang bisig na tinitignan siya. "Gutom na gutom ka na pero tumatanggi ka pa ring kumain kanina," bigla itong nagsalita pero tinignan lamang ito ni Isiah na malalaki ang subo, walang paki-alam kahit kaharap ang gwapong sundalo. "Hey dahan-dahan, what if you'll choke?" Tila nagdilang anghel nga ito at nabulunan siya dahil sa pagmamadali at malalaking kagat sa hamburger na halos lumubo na ang loob ng kaniyang bibig. Halos hindi na niya maabot ang float sa maliit na lamesa sa harap dahil maluha-luha na siya sa sakit ng dibdib. Naging mabilis ang pagkilos ni Elijah para i-abot sa kaniya ang float at naupo na rin ito sa lamesa kaharap niya. Mabilisan niyang ininom ang float habang pinupugpog ang dibdib para bumaba ang bumara roon na pagkain. Narinig niya ang mababaw na tawa ng kapitan at muntik na niyang mabuga ang iniinom nang punasan nito ng isang panyo ang kakaunting luha na namuo sa gilid ng kaniyang mata, pagkatapos ay ang iilang butil ng pawis sa kaniyang noo. Kunot-noo niya itong pinakatitigan. "Anong ginagawa mo?" seryoso niyang sabi rito. Natigil si Elijah sa ginagawa at halos maduling sila sa pagkakatitig sa kapwa nila mga mata dahil sa lapit ng kanilang mga mukha. "Ahm…helping you?" anang kapitan, giving him a slight coy look. Inalis nito ang kamay na nagpupunas ng kaniyang pawis. Inis na tinignan ni Isiah si Elijah na noon ay mukhang natutuwa pa sa kaniya. Isiah got a glimpse of the man's ring na hindi napansin ni Elijah. Bumuntong hininga siya."Captain, hindi lang ako ang nandirito at napapagod ngayon. Kaya ko ang sarili ko. I don't need your help." Pagkasabi niya noon ay iniwas na niya ang sarili sa kapitan. Umurong siya sa kabilang bahagi ng sofa — malayo rito, at nagpatuloy sa pagkain ng natitira niyang burger. Elijah chuckled again dahil doon. Naisip ng kapitan na hindi lang pala bitter sa buhay ang doktor, mukhang may kayabangan din. "Sus, akala mo hindi nagnanakaw ng tingin sa akin kapag dumadalaw ako rito sa pinsan ko," Elijah teased Isiah and when the latter looked at him with shocked expression, tuluyan na itong natawa. Namula ang buong mukha ni Isiah sa sinabi nito, hindi akalain na nahuhuli nga siya ng kapitan sa panaka-naka niyang paghagod ng tingin dito. Badtrip!Inis niyang bulalas sa isipan at tinalikuran ang kapitan para hindi nito makita ang namumula niyang mukha dahil sa pagkapahiya. "Tinitignan ko lang naman kung sino ang mas gwapo sa ating dalawa," ang pagdadahilan ni Isiah na ikinahalakhak ng kapitan. Elijah laughed his ass out, holding his own stomach. Sa lakas nga ng halakhak nito ay naririnig iyon ng kaunti sa labas, dahilan ng pagtinginan ng mga myembro ng Armed Force. They never heard their captain laughed that way before. Tumatawa oo, pero not at that point. "So…" pinunasan ni Elijah ang kakaunting luha na namuo sa gilid ng mata nito "Sino ang mas gwapo?" Suminghal nang tingin si Isiah dito at sa bahagyang nakanguso na bibig ay nagsabing, "Lamang ka lang ng isang tabo na paligo. Isang tabo lang naman." Elijah laughed again at mas malakas na iyon sa nauna. Ang pinsan nito na si Rimuel na kakalabas lang sa ER para tignan ang iba pang pasyente sa ICU ay bahagyang narinig iyon. "Was that... Elijah?" tanong ni Rimuel sa ibang sundalo na medics sa pasilyo at nagsitanguan naman ang mga ito habang natatawa. "Who'se with him?" "Si Doc. Isiah po. Pinagpahinga po muna kasi namin ito," anang isang nurse trainee. Napatango-tango si Rimuel at ilang segundo pa na tinignan ang nakasarang pinto ng staff room. Bahagya itong napailing sapagkat kapag ganoon at tumatawa ang pinsan sa isang tao na halos lumabas na ang bagang nito ay hindi na mawawala sa sistema ng pinsan ang taong iyon. Paniguradong walang araw na hindi nito gugustuhing makita ang taong iyon. Was Arah able to do that to Elijah? Napapaisip na tanong ni Rimuel sa isipan. When he remembers that his cousin also knew him having a relationship with a man, ito ang unang tumanggap sa kanila. Hindi naman siguro. After laughing for about a minute, nakuntento na si Elijah at huminto na sa pagtawa. Balik na rin muli sa normal niyang expresiyon si Isiah at walang gana na pinapanood si Elijah hanggang matapos ito sa kakatawa. "Damn. That was a good laugh man," anito sabay tayo. Lumapit ito kay Isiah at ginulo ang buhok ng doktor na kinainis naman ng isa. "Babalik na ako roon para tulungan ang iba. Rest for bit." Nginitian pa muli nito si Isiah at nang makuntento ay naglakad na paalis. Napabuntong hininga lamang si Isiah at inayos ang kaniyang buhok na nagulo ng kapitan. Napailing siya dahil kakatwang napatawa niya ito. Ang babaw naman ng kaligayahan n'un. Walang gana niyang sambit sa kaniyang isipan. Winaksi na lang niya sa kaniyang isipan ang nangyari at inayos muli ang sarili para tulungan na ang iba sa labas. This will be a very long day for them. It is also said that the next day of September 11, 1997, everything is bound to begin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD