CHAPTER - 19 " Good luck 'tol sana mapakasalan mo muna siya bago magising." Hindi malaman kung matatawa ba o hindi si Darrell na kahit iniwan niyang bigla ang mga ito ay silang magkakaibigan pa rin ang nakaalalay sa isa't - isa. Malaking tulong din ang mag-amang Jose at Gerlie dahil ang mga ito ang nagsuggest sa lugar na pupuntahan nila after the " kidnapped " portion. " Ewan ko sa'yo pare kung gaano ka katapang sa trabaho gano'n ka naman katorpe pagdating sa pag -ibig." Nakailing na aniya ni Nathaniel kay Pierce. " Tsk! Tsk! Huwag na kayong magtaka mga pare dahil ganyan na iyan simula pa noong kabataan namin kaya hindi na rin nakapagtataka kung ang kambal mo nga ay hindi niya maligaw-ligawan." Paggagatong pa ni Herbert. " Huwag na kayong mangantiyaw