Kinabukasan ay nagising siyang may mainit na bagay na nakalapat sa kanyang mga labi. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang humahalik sa kanya. Ang kanyang malanding boss lang naman. At nang mapansin na gising na siya ay mas pinalalim pa nito ang halik na ginagawa sa kanya. Mabilis niya itong naitulak. "It's effective! I thought it is only in a fantasy. Woke up with her boss kiss." Nakangising sabi pa nito. "Magigising naman ako sa kalabit lang bakit kailangan na manghalik kayo." Inis kung sabi dito, pero deep inside ay nahihiya siya, tiyak niyang kahit kakagising lang nito ay mabango parin ang amoy nito. Siya kaya sabog sabog ang buhok at alam niyang di kaaya aya ang amoy ng bibig niya. Napatakip siya ng bibig bago mapatingin dito. "Pag ako nangalabit sayo, iba ang nais