Matapos ang komprontasyon nila ng nakalipas na madaling araw ay tila nag iba na ito. Tila bumalik ang pagiging abnormal nito, masungit at tila laging may regla ang lalaki sa kasungitan. "Call Mr. Ty, tell him to report all the unnecessary events in his branch." Sabi nito sa kanya. Nakaupo sila sa may buhanginan at di ito pumayag na magsuot siya ng two piece. Dinaan lang naman siya nito sa 'Don't try my patience Loraine.' Parang kailangan na niyang masanay sa ganung salita nito. "Yes Boss! Ipapadala ko po ba sa office." Sagot niya na kaagad sinunod ang inutos nito. "Baka nasa bakasyon tayo, sino ang haharap dun?" Masungit na sabi nito. Sila Yonah ang haharap sa mga naghahanap sa kanilang dalawa sa opisina. Assistant niya si Yonah, yun daw ang kauna unahang pagkakataon na nagkaroon ng ass