Kinakabahan siya ng pabalik na sila sa kani kanilang villa, lalo na ngayon na masosolo na naman siya ng boss niya. Batid niyang mahirap na matakasan ang isang Travis Fortalijo. Sa sinabi nitong pag uusapan nila ay tiyak niyang importante ang sasabihin nito. Ang di niya lang matiyak ay kung may kinalaman ba sa panaginip niya ang pag uusapan nilang dalawa. Habang daan ay inaalala niya ang kanilang possible na pag usapan na kinakailangan nila ng privacy. Nang sapitin nila ang bukana ng resort ay nagkanya kanya na sila, si Clover ang sa malapit nila ang room mga apat na room din ang pagitan. "Bye Ate Loraine!" Sabi nito. Napaisip siya, alam niyang di naman sila close ni Clover pero mas maigi na ito ang makakatabi niya kaysa kay Travis na lalaki. Nakakailang at nakakanerbiyos na katabi ang