When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
*Christine POV* "Uy Tin, sama ka samin sa training room."yaya sa akin ni Shaun pagkatapos na pagkatapos ng klase. Palabas palang ng silid ang Professor namin ng tumayo siya at tumabi sa mesa ko. Natigil ako sa pagaayos ng gamit ko at tiningala siya. Papayag na rin sana ako sa alok nya ng may maalala. "Naku Shaun, hindi pwede. May gagawin pa kasi ako eh." Nanghihinayang na sabi ko. Medyo na mimiss ko na rin kasi silang makasama sa training namin kaya nanghihinayang talaga ako na tangihan siya. Kumunit ang noo niya at umupo sa gilid ng mesa sa tabi ko. "Gagawin? May kinalaman ba yan sa pagiging Prey mo? Diba binigyan naman kayo ng libreng isang oras pagkatapos ng klase bago bumalik ulit ng Nacht?" Sunod sunod na tanong niya. Ibinuka ko na ang bibig ko para sagutin siya ng dumating si G