*Teresa's POV* Kasama kong kumakain ngayon sila Sallie, Tin, Simon at Racky sa table namin sa Cafeteria. Pati sina Tyrone at Avon umupo narin sa mesa namin at nakisalo sa amin. Patapos na kami ng may marining akong tumawag sa pangalan ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Sir Christian na nakatayo sa likod ni Sallie. Pati ang mga kasama ko, huminto sa pagkain at tumingin kay Sir. "Bakit po?" Tanong ko. "Pinapasabi ni Daemon na sa lobby ka nalang ng Administrator's building maghintay para sa training nyo ngayong araw." Sabi niya at sinipat ako ng tingin. "Yun ay kung.... ok lang sayo. Pero kung pakiramdam mo na kailangan mo pa ng pahinga, ako nalang ang magsasabi sa kanya na hindi mo pa kaya." He kindly offered. "Oo nga Sir. Pagpahingahin nyo naman si Teresa. Kalalabas lang ng