Chapter 8 Nagising akong mabigat ang pakiramdam ko. Sinalat ko ang noo ko at napagtantong nilalagnat ako. Marahil dahil sa pagkakabasa ko sa ulan kagabi. Bumangon na ako sa higaan kahit na ang gusto ko lang gawin ay ang pagmasdan ang mukha ni Cloud. Ang sarap sa pakiramdam na magising kasama ang lalaking mahal mo. At kahit masama ang pakiramdam ko gusto ko pa rin siya ipaghanda ng almusal dahil sa hindi ko alam kung mauulit pa ang ganitong pagkakataon. Hinalikan ko muna siya sa noo bago ko tuluyang lumabas ng kwarto. Napatingin ako sa sala at hindi ko naiwasang magbalik-tanaw sa nangyari kagabi. Napahawak ako sa labi ko at napapikit. Hindi man ako ang iniisip niya ng hinalikan niya ako masaya pa din ako na sa kanya ko naranasan ang unang halik ko. Honestly, hindi ko alam kung paano siya