Chapter 15 Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana na hindi ko pala naisara ang kurtina kagabi. Lumingon pa ako sa tabi ko at katulad ng inaasahan ko mukhang nakaalis na ang asawa ko. Mag-uumpisa na naman ang nakakainip na araw para sa akin. At para hindi naman ako maburyong sa bahay na ito, I've decided na magpalipas ng oras sa mall. Hindi ko ugali ang pumunta at mamasyal sa mall unless may bagong release ng book na gusto ko o pilitin ako ni Thunder gumala. Thundz kumusta ka na kaya ngayon? I was about to grab my phone to call him at yayain siyang mamasyal ng maisip ko na kailangan nga pala muna namin ng space para sa isa't-isa. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpasyang maligo. Napatitig ako sa salamin sa banyo habang nagsesepilyo at napansin kong namamaga pa rin pala