Chapter 19 "So where do you want to eat?" kasalukuyan kaming nasa mall ngayon ni Cloud, umpisa na ng friendly date namin. At nakakainis lang dahil ang daming babae na kung tumingin sa asawa ko akala mo ngayon lang nakakita ng tao. I mean gwapong lalaki. "Hey, ano na saan na tayo kakain?" naiinip na tanong ulit sa akin ni Cloud. Di ko na lang pinansin ang mga mahaderang babaeng kung makatingin ay wagas. Naghanap na lang ako at kuminang ang mga mata ko ng nakita ko ang favorite fast food chain ko. Sa Jollibee bida ang saya! "There, diyan tayo kakain." itinuro ko kay Cloud ang Jollibee at nakita ko ang pagsimangot nito. "No way, andami daming restaurants dito sa mall, mamili ka na lang ng iba wag lang diyan!" iritang sabi nito. "Pero gusto ko diyan, favorite ko yan dahil diyan ako lagi