Chapter 17 Huminto kami sa isang grocery store bago umuwi. Katwiran niya wala na kaming stock sa bahay kaya mamimili muna kami. Ang pinapangarap kong date, nauwi sa pamimili. Hindi talaga pumapabor ang tadhana sa akin. "You can just stay in the car at ako na ang bibili ng groceries. Mamaya niyan mahirapan ka na naman huminga." anito habang kumukuha ng grocery cart. "You're overreacting Cloud. I'm fine at isa pa wala naman akong asthma, epekto lang ng allergies ko sa egg yung nangyari kanina." Paulit-ulit kong sabi sa kanya mula kanina pa. "I'm not overreacting, imagine the horror that I've felt when I saw you lying in the ground almost breathless. So next time, wag mong kainin yung mga pagkain na hindi naman pwede sa'yo." Pagsesermon niya sa akin na ikinasimangot ko naman. Hindi ko t