Nakatulog ako sa biyahe kaya paggising ko hindi ko na alam kung nasaan kami, ang huli ko lang naalala bago ako makatulog ay ang pagtatalo namin ni Orris. Nahihibang na talaga ito kung inaakala nito na sasama ako sa kanya sa Italy. "Where are we?" kunot noong tanong ko sa kanya, nakahinto na ang sasakyan sa harapan ng isang Resto Bar. "Nakalimutan mo na ba ang Resto Bar ni Alex?" nang-uuyam na tanong nito. Naiba na kasi ang disenyo sa labas kaya hindi ko maalala, ang laki na rin ng ipinagbago ng Resto Bar nito, mas lalong gumanda at naging kilala sa lahat. Napansin ko rin na madami ng mga tao kahit maaga pa. Napatingin ako sa wrist watch na suot , 6:30 PM pa lang. "Why are we here?" "I wanted to relax. Please, Ara, kahit ngayon lang huwag na muna tayong magtalo." Nagsusumamong sabi ni