bc

Kamay Na Bakal: Asero Silvestre

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
fated
badboy
kickass heroine
powerful
bxg
kicking
office/work place
small town
secrets
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

Hindi naging madali para kay Branca na takasan ang mapang-abuso n'yang nobyo. Isang pilat sa mukha ang naging kapalit bago s'ya nakawala sa pagmamalupit nito. Taglay ang bagong pagkakakilanlan, napadpad sa San Andres ang dalaga. Nakihalubilo sa mga trabahante ng Hacienda Silvestre upang makapagtago sa taong nagbabadya ng kapahamakan sa kan'yang buhay. Subalit ilang linggo pa lang na namamalagi sa hacienda si Branca ay agad na n'yang nakuha ang atensyon ng panganay na Silvestre, nang lakas-loob na ipagtanggol n'ya ang mga kasamang trabahador ng kapehan sa taong nagpapasahod sa kanila. Batid ng lahat ang kamay na bakal na pamamalakad ng mga may-ari ng hacienda. Inakala n'ya na mapapatalsik s'ya sa trabaho dahil sa gulong ginawa n'ya, ngunit kabaliktaran ang nangyari. Mula sa kapehan ay itinalaga s'ya ng panganay na Silvestre na may mala-lawing mga mata, sa loob ng villa kung saan mas abot-tanaw s'ya nito.Sa apat na magkakapatid, si Asero ang nagbibigay ng matinding kilabot kay Branca. Ang matiim na titig nito ay tila apoy na bumubuhay sa kung anong kakatwang sensasyon sa kan'yang kaibuturan. Isa iyong masamang senyales para sa dalaga kaya naman kahit alam na imposible, tinangka n'yang iwasan ito sa abot ng kan'yang makakaya. Ngunit gaya ng pangalan ng binata, kasing tigas nito ang pagnanais na makilala at maangkin s'ya. Magawa kaya ng isang Asero Silvestre na tibagin ang mataas na pader na nilikha ni Branca upang hindi na muling masaktan ang puso? O magbibigay lang ito ng panibagong banta sa kan'yang kaligtasan?

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook