“ALAM KO, nasaktan kita sa ginawa ko. Pero ako rin naman, nahirapan din at nagdusa,” sabi ni Ulysses nang nasa labas na sila ng gate. Napaismid siya sa sinabi nito. Umahon ang galit sa dibdib niya. “Alam mo ba ang ibig sabihin nang nagdusa? Alam mo ba kung anong nangyari sa akin dahil sa ginawa mo? Ang sakit-sakit nang ginawa mo!” pinagdiinan niya ang huling sinabi. “Kung wala sina Mama at Charlotte, baka hindi ko nakayanan ang nangyari. Imagine, bigla ka na lang nawala. Para kang bulang naglaho. Ilang buwan kang hindi nagpakita. Pati cellphone mo, hindi ko makontak.” Sa galit niya ay pinagsusuntok niya ang dibdib nito. HInawakan siya nito sa dalawang kamay upang pigilan. “I’m