“O, BAKIT ka naman namumula diyan? Kinikilig ka na, ano?” nakangising sabi ni Ulysses. Lalong nag-init ang pakiramdam ni Penelope sa sinabi nito. Bumitiw siya sa hawak ni Ulysses. “Masama ba naman na kiligin ako?” ganting tanong niya. Napangiti ng malapad si Ulysses. “Ah, hindi naman. Pero kung kikiligin ka dahil sa ibang lalaki, iyon naman ang masama. Handa na akong makipagsuntukan kung kinakailangan.” Tumaas ang kilay niya sa sinabi ng nobyo. “Seloso lang? Ano iyan? Binabakuran mo na ako?” “Dapat lang naman, hindi ba? Ako ang boyfriend mo, hindi yata ako makakapayag na may umaaligid na lalaki sa iyo. Lalo na ngayon, graduate na ako, baka mamaya niyan kung sino-sinong lalaki ang lumalapit