Chapter Fifteen | In Your Eyes ““AUNTIE, we’re tired playing, can we go to our classroom, please?”” Naaawang napabaling si Padgett sa pamangking si Collin nang magsalita ito. Natagpuan niya ang kambal na bagsak ang mga balikat habang naka-upo sa nakahintong merry-go-round. Kakaunti na lang din ang mga bata sa school playground nang oras na iyon, ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang klase. Kanina pa siya palinga-linga. Hinahanap ng mata niya ang lalaking nakausap kahapon, si Tommy. She was expecting he’d be there that day, too. Pero mula nang dumating sila ng mga pamangkin niya sa school, there were no signs of him. Sinubukan din niyang hanapin ang tinutukoy nitong pamangkin na sinamahan kahapon but she couldn’t remember how the kid looked like because she was busy admiring