Torpe Pagkadating namin sa bahay ni Kuya, narinig ko agad ang boses ni Mommy at Daddy sa kusina. I think they're having fun cooking. Deri-deritso na ang lakad ni Kuya paakyat sa enggrande naming hagdan at mukhang dederitso na sa kuwarto. Hinubad ko naman iyong suot kong tshirt at napagtantong hindi ko ito nahubad kanina. Napatitig ako roon. D-Did Kuya notice this? Tumingala ako sa ikalawang palapag ng bahay namin at binalikan ang nangyari kanina. He didn't ask me about the tshirt, though. Hindi ko rin siya napansing tumitig so maybe he doesn't care anymore since he's pissed. Itinupi ko iyon at inutusan ang katulong na ihatid ang aking gamit sa aking kuwarto saka ako dumeritso sa kusina. "Mommy, Daddy..." sabi ko nang maabutan ko silang nagtatawanan. Daddy is hugging her waist whil