Kabanata 3

2970 Words
I removed my black shades as I looked around the airport. Nakakapanibago dahil kakaunti lang ang tao. There is no media waiting for me and most of the people here are foreigners. Mga nagbabakasyon din ata dito sa Siargao. I checked my phone. Napansin kong mababa ang signal ko. Understandable naman dahil nasa isla ako. Mahihirapan talaga ako sa internet but it’s okay. Kapag mas may access ako sa internet ay baka mawalan lang ng saysay ang pagpunta ko dito. Pagkalabas ko ng airport ay nakita ko ang isang may katandaang babae na may hawak ng placard ng pangalan ko. Nanlaki ang mata ko at nagmadaling naglakad palapit sa kanya. “Gosh, please keep that! Ayoko ngang may makaalam na nandito ako tapos ipangangalandakan niyong parating ako dito.” Hindi ko naitago ang pagkairita sa kanya. Napansin kong nabigla siya sa sinabi ko at mabilis na humingi ng depensa. “Pasensya na po, hindi po kasi ako familiar sa itsura niyo at ito rin kasi ang sinabi ni Ma’am Cynthia.” Naramdaman ko ang takot sa kanyang boses. Marahas akong huminga ng malalim at sinikap na kumalma. “I am Sue Denise Segovia, kung kayo ang sundo ko, we better leave the place now before someone could see me here.” Mariin kong sabi dito. Agad naman niyang kinuha ang dala kong gamit sa tulong na rin ng driver. Hindi ko na sila pinansin doon at dumiretso na sa loob ng sasakyan. I was silent as my eyes looked aroung the surrounding. Puro puno at bundok ang nakikita ko. It’s very relaxing. Wala akong nakikitang buildings at mga tao sa daan. Mukhang makakapagpahinga nga talaga ako dito. Mas less ang pollution kaysa sa Manila. I can also see clearly the ocean. The wild waves excites me. I know for a fact that Siargao is the favorite place of surfers dahil sa naglalakihang waves dito. I’m getting excited to try everything I can do here. Sobrang laking pasasalamat ko na lang din kay Mommy at naisip niya ito. I really need to rest. Kung ipinilit ko sigurong manatili pa ng saglit sa Manila ay sasabog na ako sa sobrang pagod at stress. Huminto ang sasakyan sa isang bahay. Mapuno ang paligid nito ngunit dahil sa mga security na nakita ko sa labas pa lang ng gate ay sigurado naman akong safe ako dito. Pumasok ang sasakyan sa gate at huminto mismo sa tapat ng bahay. The house is not that huge like our mansion in Manila but it would be big for me or even when I’m with my parents. Dalawang palapag iyon at may makabagong detalye at style ang bahay. It is heavily guarded, of course. Hindi ako papayag na tumira dito kung sa unang kita ko pa lang ay hindi ako safe dito. I’m a public figure. I am model. Maraming humahanga sa akin pero mas maraming galit sa akin ngayon kaya mamaya ay magulat na lang ako na may maglagay ng kung ano-ano dito kapag nalaman na dito ako nagbakasyon. Worst is baka bigla akong looban dito, nakawan or gahasain! f**k, my imagination is really freaking me out! Masyado na akong praning. I can’t help it. I need to think of the worst that can happen to me since I’m almost considered as a celebrity. Baka nga mas matunog pa ang pangalan ko kaysa sa mga sikat na actors ngayon. Hindi nga lang sa magandang bagay. Three maids welcomed me as I entered the house. Puro mga babae ang mga iyon at tanging ang driver lang ang lalaki. Malalaki ang ngiti nila sa akin habang binabati ako, “Miss Sue, ako po si Susan, ang katiwala ng bahay na ito at ito naman pong tatlo ang makakasama ko para mapagsilbihan kayo sa lahat ng kailangan niyo.” Isa-isa niyang pinakilala ang mga babae. Hindi ko na masyadong natandaan ang pangalan nila dahil hindi ako interesado. Gusto ko ng makita at makapunta sa kwarto ko at ang dami-dami pang sinasabi ni Susan. “Where is my room?” Bored kong sabi dito. Seryoso ko lang na tinignan ang tatlong katulong bago bumaling sa matandang katiwala ng bahay. “Ah, Miss, sa taas po, halika at ihahatid ko kayo,” wika ni Susan saka ako marahang hinawakan sa braso. Agad kong tinapik iyon at sinamaan siya ng tingin. “You don’t need to touch me, okay? You can just show me my room without having any physical contact with me and the same goes with everyone in this house.” I demanded. Napansin ko ang pagtitinginan ng tatlong babaeng katulong. Hindi nakaligtas sa akin ang takot ng mga ito lalo pa at nasisiguro kong hindi na maganda ang reaksyon ng mukha ko. “S-Sorry ho, Miss Sue. Hindi na po mauulit. Dito po ang kwarto ninyo.” Walang sabi-sabing sumunod ako sa kanya paakyat sa second floor. Diretso ang aming lakad hanggang sa makarating kami sa dulong kwarto. Mayroon kaming tatlong kwarto na nadaanan bago kami makarating sa dulo. I will check it myself later on. Binuksan niya ang kwarto. Sa likod ko ay ang driver dala-dala ang mga gamit ko. Pagkabukas ng pinto ay agad akong pumasok at tinignan ang kabuuan ng kwarto. “Nalinis na po namin ang kwartong ito, Miss Sue. Kumpleto na rin po ang gamit lalo na sa banyo pero kung mayroon pa pong kayong kailangan ay tawagin niyo lang po ako o kung sino man sa tatlong katulong na narito.” Pormal at kinakabahang sabi ni Susan. Tumango lang ako dito bago sila hinarap. “Okay. Makakaalis na kayo. I will just call if I need something.” Sa sinabi kong iyon ay mabilis silang lumabas ng kwarto. I locked the door before I went straight on the bed. Napahinga ako nang malalim nang maramdaman ang lambot ng higaan. So far, I’m satisfied with the room. Hindi naman ako masyadong maarte pagdating sa ganito. Basta ay malinis at presentable ang kwarto ay ayos na sa akin. Mabango nga rin kaya pakiramdam ko ay nasa hotel lang din ako. I checked my phone as I comfortably rest my back on the bed. Nadagdagan ng isang bar ang signal ko dito. Kanina kasi ay isa lang iyon ngunit ngayon ay dalawa na. Great, mukhang mahihirapan ako na ma-contact ang mga kailangan kong ma-contact. I tried sending a text message to my mother, informing her that I have arrived already pero nag-eerror iyon dahil sa mabagal na signal. I had to stand up and stretch my arms upward to get a better signal pero hindi naman nadadagdagan. Parang maximum na ang two bars na signal dito sa islang ito. Pambihira! Natigil ako sa paghahanap ng signal nang mag-ring ang telepono sa tabi ng kama ko. Agad kong sinagot iyon. “Hello, who’s this?” Mariin kong tanong sa kabilang linya. “So I can see that you already arrived.” Napatigil ako nang mabosesan si Daddy. “Yes, kakarating lang po. I was trying to contact you just now but I can’t even send a simple text message. Sobrang hina ng signal dito.” I tried calming my voice while saying that. “Change your number for a while. Mabagal ang network na gamit mo.” It was Mommy. Maybe I will ask the maids later kung anong network ang mabilis dito sa spot namin. “Alright, Mom. Thank you anyway, for letting me have my vacation.” I’m sincere while thanking her. “Make sure that you’re only there to have a vacation, Sue. Sa oras na may nagawa ka nanamang hindi maganda diyan ay hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo. Behave yourself and respect everyone in the house. I don’t want another issue from you,” madiing sabi ni Dad. Napahinga ako nang malalim. “Yes, Dad.” With that, binaba na nila ang tawag. My father is really a stone-hearted man. Sobrang tigas niya maging sa akin na nag-iisa niyang anak. I can’t even remember if I felt him cared for me. Si mommy lang ang minsan ay may pakialam sa akin, although mas madalas na galit din ito dahil sa mga nagagawa ko. Sinimulan kong ilabas ang ilang damit na madalas kong gagamitin habang nandito ako. Hindi na ako nag-abalang iligpit iyon lahat sa closet dahil isang linggo lang din naman ako dito. Underwears and casual clothes lang ang ilalabas ko sa maleta para hindi hassle kapag nagliligpit na ako pauwi. Anyway, one week will be fast for me since I know that I will enjoy my time here. Hindi ko na mamalayan ang pag-andar ng oras. Nang maayos ko ang mga damit ko ay nilagay ko naman sa banyo ang mga essentials ko. Of course, even if I’m on my vacation, I can’t neglect the needs of my body. Kailangan pagbalik ko ay mas maganda at mas fresh ako para mamatay lalo sa inggit ang mga bashers ko. Lotions, body wash, scrubs, creams at maraming pang iba. Madalas ay ito ang nagpapadami sa dala ko. Hindi ako maarte sa damit unlike any other models. I’m on vacation. Hindi ko kailangan ng magarbong damit at make-up. Walang kaso sa akin kahit paulit-ulit ang suotin ko ngayon dahil magaling naman akong magdala ng damit. Wala din akong pakialam kahit wala akong make-up dahil pinanganak naman akong maganda at natural. Kahit siguro magbihis ako ng butas-butas at maruming damit ay aangat pa rin ang ganda ko. Napakaganda ko kasi talaga. I’m the one and only Sue Denise Segovia. Nang makuntento na ako sa ayos ng kwarto ko ay bumaba ako at hinanap ang mga katulong. I saw one cooking on the kitchen. Alas-dies na rin kasi ng umaga kung kaya’t naghahanda na ito ng pananghalian. “Anong network ang mabilis ang signal dito?” Diretsong tanong ko. Halos mapatalon ang babae sa gulat. Bahagya itong nataranta nang makita ako. “Ah, eh, ano po... s-smart po, Miss Sue. Pero dito lang po malakas ang a-ano, ang signal sa buong kabahayan. Kapag po nagtungo kayo sa ano, sa uhm, sa dagat ay wala na rin pong signal doon.” Nanginginig ang kanyang boses. Napaka-OA naman matakot ng babaeng ito. Hindi naman ako multo o aswang. Lalong hindi naman ako kumakain ng tao. Kung wala naman siyang hindi magandang ginagawa ay hindi ko naman siya susungitan. Dinadagdagan niya lang dahilan para mairita ako sa kanya. “Alright, thanks. Anyway, what’s your name again?” Nanlaki ang mata nito at nataranta naman. My gosh ha! Napakatarantahin naman ng babaeng ito. “A-ano po, L-Lorena po, Miss.” I snapped my fingers on her. Puro siya ano! Nahihirapan akong intindihan siya, what the f**k! “Huy, kalma. Hindi ako nangangain ng tao. Parang hindi ka na humihinga diyan.” Naiirita kong sabi sa kanya. Lorena is her name, ang babaeng tarantahin. Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at iniwan na siya doon. Naghanap ako ng ibang katulong na wala masyadong ginagawang importante. Hindi ko naman pwedeng utusan si Lorena dahil nagluluto ito. Habang naglalakad palabas ay nakita ko ang isa pang babaeng katulong na nagpupunas ng mga gamit sa sala. I immediately walked near her. “Can you buy me a new sim. ‘Yung smart ha kasi iyon daw ang mabilis ang signal dito,” diretsong wika ko dito. “Ay puriin ka nawa!” Halos mabitawan ng babae ang hawak niyang babasagin na picture frame dahil sa biglaan kong pagsasalita. What the hell is wrong with these people? Bakit masyado silang magugulatin? “M-Miss Sue! Ikaw po pala iyan. Ano po iyon?” Binitawan niya ang picture frame na hawak niya. It was my Mom and Dad. Sila pa lang noon ay mukhang mag-boyfriend at mag-girlfriend pa lang sila sa picture na iyon. Hindi ko napigilang mapairap. Right, ayoko pa naman ng paulit-ulit. “I said, buy me a new sim card. I need it now.” Mariing utos ko sa kanya. Mabilis niyang binitawan ang hawak na pamunas saka lumapit sa akin. “Ah sige po, bale kwarenta po ang isang simcard.” Nagsalubong ang kilay ko. “What is kwarenta?” Hilaw itong ngumiti sa akin at napakamot ng ulo. “Forty pesos po, Miss Sue.” Napa-ahh na lamang ako dahil ngayon ko lang nalaman iyon. I’m not familiar with the slang words of money in Filipino. “Anong network po?” Umirap akong muli habang kinakapa ang suot na shorts. “Smart. Iyon daw ang mabilis sabi ni Lorena. Is it true?” Wala akong makapang pera sa shorts ko. Nasa taas ang wallet ko kaya kailangan ko pang umakyat ulit. “Opo totoo po iyon. Pero dito lang po mabilis ang signal sa bahay. Kapag po nasa dagat kayo, wala na rin pong signal doon.” Tumango-tango ako sa kanya. “Yes, yes, I know. Lorean already told me that. Wait for me here, kukuha lang ako ng pera.” Tumango ito saka ngumiti. Muli niyang hinawakan ang pamunas at nilinis muna ulit ang iba pang frames sa sala. Mabilis akong umakyat sa kwarto at kinuha ang aking wallet saka bumaba rin agad sa sala kung nasaan ang katulong. “What is your name?” Bungad kong tanong sa katulong. “Ay saging na hubad!” Napahawak ito sa kanyang dibdib. So magugulatin talaga siya? “Anong pangalan mo?” Inulit ko na ang tanong ko dahil sigurado akong hindi niya nanaman naalala ang sinabi ko dahil sa gulat niya. “Sharon po, Miss.” Tumango ako at binuklat ang laman ng wallet ko. Nadismaya ako nang makita na puro blue bills ang laman niyon. Inilabas ko ang isang libo doon. “Is this okay? I don’t have any smaller bills here.” Mabagal itong umiling. “Wala pong barya ang mga tindahan dito sa ganyan kalaking pera, lalo na at umaga pa lang. Lalo pa at isang sim card lang naman ang bibilhin niyo.” Marahang paliwanag niya sa akin. Muli kong kinalkal ang wallet ko pero wala talaga. I don’t even have coins with me. Talagang puro tig-one thousand lang ang laman, aside from cards. “Then do they accept cards? Atm, credit, or debit cards?” She looked weirdly at me. “Ay, Miss Sue, wala pong malls dito ha? Sari-sari store lang po ang meron dito at hindi po uso ang mga ganoon.” Naiilang na sabi nito. Nagsisimula na akong mainis. Then how can I buy a sim card!? “Paano ako makakabili ng sim card? Gosh, I need it now!” Naiinis ko ng sabi. Nakita kong kinabahan siya nang magsimulang magtaas ang boses ko. Agad niyang kinapkap ang kanyang bulsa. “Ako na lang po muna ang bibili, Miss. Bayaran niyo na lang po ako kapag may barya na kayo.” Agad siyang umalis sa harap ko at nagtungo sa labas. May pera naman pala siya! Bakit hindi niya naisip iyon kanina pa. Ilang minuto rin ang nasayang namin ha. Nanatili ako sa sala at nanuod ng TV. Mabuti na lang at may cable dito. Unang bumungad ang balita at mukha ko agad ang aking nakita. It is all about the issue with Miguel Legaspi and the new girl she’s dating. The media is playing it again and making it that I was the reason why Miguel looked for another girl. Wow naman, todo-todo ang inis sa akin at gumagawa na lang sila ng kwento ha? Ililipat ko na sana ang channel dahil nabubwisit nanaman ako. I didn’t come to Siargao for this. Dapat ay iwasan ko ang nakakastress sa akin dito. I was about to change channel when the third maid walked slowly towards the television. Her eyes is fixed on the TV. “Parang pamilyar itong babaeng ito ha.” Itinuro niya ang mukha ko na nasa TV ngayon. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. “Bakit parang nakita ko na siya? Hindi ko lang maalala kung saan?” Napanganga ako, literal. She doesn’t even noticed that I am here. Masyado itong engrossed sa TV at sa iniisip niyang familiar na babae, which is me! Oh my God, what is wrong with her!? Tumikhim ako para mapukaw ko ang kanyang atensyon. Lumingon siya sa akin at napatayo ng tuwid. “M-Miss Sue! Kayo po pala iyan. Nako, kaya pala nakabukas ang TV dahil nanunuod kayo.” She said while stating the obvious. “What were you saying a while ago?” I tried to calm myself. “Ah, kasi itong nasa TV, Miss. Parang pamilyar kasi sa akin, parang nakita ko na sa personal. Hindi ko lang maalala kung saan.” Halos mapatakip ako ng bibig. Nanlalaki ang mata ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Is she for real!? Hindi naman nalalayo ang itsura ko doon sa picture sa news ha? I have a heavy make up there, yes while I’m not wearing one right now but normal people can definitely identify that it’s me. Sabay kaming napatingin sa TV nang banggitin ang buo kong pangalan doon at ipinakita ang latest video na kumalat nitong nakaraan lang noong nakaaway ko ang tatlong impaktitang model pagkatapos ng photoshoot. “Sue Denise Segovia... kapangalan mo pa siya, Miss Sue! Kaso ang sama naman ng ugali ng babaeng iyan oh. Grabe, ang tapang! Nako, hihintayin ko talaga ang karma sa babaeng iyan.” I was more shocked! I can’t believe her. I can’t believe this woman! Handa na sana akong bulyawan ang babaeng ito nang dumating si Sharon. She’s smilling widely as she handed me the sim card. Nakatunganga lang ako nang tinanggap iyon. “Sharon! Tignan mo itong nasa balita oh. Napakapangit ng ugali! Diyos ko, patawarin! Mga ganyang tao, may kahihinatnan sa buhay eh. Tignan mo! Maganda sana siya, kasing ganda siya ni Miss Sue kaso ma-attitude!” Napakuyom ako sa aking kamao. Nanliit ang mata ni Sharon sa litrato ko sa TV saka mabilis na lumingon sa akin. Nang ma-realize niya kung anong nangyayari ngayon ay agad itong namutla at hinampas ng malakas ang katulong na nangahas na pagsalitaan ako ng kung ano-ano sa harap ko. “Aray ko naman! Bakit ka ba nanghahampas? Kung nagagalit ka rin dahil sa ugali nitong babae sa balita, huwag mo sa akin ibunton ha!” Galit pang sabi nito. God, help me please! “Janine! Manahimik ka na kung ayaw mong mawalan ng trabaho!” Paninita ni Sharon dito. So Janine is her name. God, I hate her so much ngayon pa lang! “Bakit naman ako mawawalan ng trabaho? Pinapahayag ko lang naman ang opinyon ko, aber.” Ang tapang niya pa talaga! Hindi ko na napigilan at galit akong tumayo saka lumapit sa kanila. Kita ko ang takot sa mukha ni Sharon habang si Janine naman ay mabilis na ngumiti ng malaki sa akin. “Ako si Sue Denise Segovia, Janine. Now, repeat everything you just said a while ago.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD