Nilista ko ang mga pupuntahan ko dito sa Siargao Island. I set up the schedules and I told Kean about it. Nakangiti lang ito habang nakikinig sa mga plano ko. I feel so excited because finally, after a month of staying here in the house, magkakaroon ako ng pagkakataon na makapaglakwatsa dito sa isla. I can’t wait to discover the hidden beauty of this island. Bumaba ako sa sala at nakita ko na abala sila Susan para ihanda ang mga pagkaing pabaon nila sa amin ni Kean at Roman. Balak ko kasi munang magpunta sa mall para makapamili ng mga gamit at ilang damit. Kasama na rin doon ang roadtrip papuntang General Luna dahil mahaba-haba ang lalakbayin namin para makapunta doon. Hinawi ko ang aking buhok at nilapag ang shoulder bag sa lamesa saka hinanap si Kean. Sumilip ako sa labas at si Roman