Chapter Fifteen I'm Not The Only One Margareth Sandoval Nang magising ako kinabukasan ay ramdam ko ang mga brasong nakayakap sa akin mula sa likuran ko at ang mainit na hininga niya sa batok ko. Unti-unting bumalik sa akin ang natuklasan ko kagabi kaya naman muling bumalik ang sakit at ang pakiramdam na niloko ka. Kung noong una pa lang ay sinabi nila sa akin ito, alam kong maapektuhan ako sa umpisa pero matatanggap ko rin ito pero pakiramdam ko ngayon ay sinasaksak nila ako pareho sa likuran ko. Napag-desisyunan kong kausapin si Sarah tungkol dito. Gusto kong malaman kung ito ba ang gusto niyang sabihin sa akin at gusto kong malaman kung may nararamdaman pa rin siya sa asawa ko. Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap ni Devlin at tumayo kahit pa may nararamdaman akong kirot sa ulo