CHAPTER TWO
TRINA POV
" Ate!" agad akong napatayo nang marinig ang boses ng kapatid ko. Sunod-sunod akong napalunok nang malingunan ko itong puno ng pag-aalala ang mukha nito. Dahil siguro sa tagpong nasaksihan sa amin ng lalaking nadaganan ko. Pinagpag ko ang pantalon ko nang tuluyang makatayo.
"Nakikipag-away ka na naman, Ate?" muli akong napalunok hindi alam kong paano malulusutan ang tagpong nakita nito naramdaman ko ang binatang tumayo sa likuran ko.
"H-hindi Johan! A-ah kasi ah!"
Lihim akong napakamot sa batok nang napatingin ako sa kaibigan kong si Melba. Nagbabasakali akong matulungan ako nito.
"Ano 'yong nakita ko, Ate? Siguro inaaway mo siya?" Tinuro nito ang nasa likuran ko.Sumingkit ang mga matang napalingon ako rito sa binatang mariin naman na nakatingin sa akin.
"Yes! Tinulak niya ako." aniya nito mas lalong dumilim ang mukha ko sa naging sumbong nito kay Johan.
"NO! Nakakamali ka hindi kita tinulak!" angil ko sa binatang gusto ko muling sugurin.
"Ate, 'diba nangako ka na sa'kin?" muling angil ni Johan. Napabuntong-hininga ako nang lapitan ko ang kapatid ko.
"Johan, hindi nga nakikipag-away si ate tanungin mo pa sila," tukoy ko sa ilang kabaranggay namin na sabay-sabay na tumango.
"E, sino siya?bakit nasa ibabaw ka niya?" tanong nito sabay turo sa binatang naging asungot sa araw ko.
"Teka! E, sino ka nga ba naman?" Muling lingon ko sa binata nang maalalang hindi ko nga naman ito kilala.
"Ako si Engineer Kidlat Marundo,” pagpapakilala nito sa akin. Kasabay ang paglahad ng palad nito sa harap ko.
"Ang baho ng pangalan mo!" ani ni kong natatawa nagkasyang tiningnan ang kamay niyang nilahad sa harap ko.
"I'm Johan Vasquez and this is my Ate Trina." ani ni Johan. Nakita kong tinanggap nito ang kamay ng nagpakilalanh si Kidlat sabay siko sa akin na patuloy pa ring tumatawa.
"Mabuti pa ang bata alam ang formality!" angil nito sa akin Lihim pa rin akong natatawa sa pangalan nitong binanggit sa harap ko.
"Formalin lang alam ko at kong hindi kayo aalis dito gagamitin ko 'yon sa'yo," tugon kong pang-iinis sa sinabi nito.
"See! Inaaway talaga ako ng ate mo." narinig kong sumbong nito kay Johan. Liiningon ko ito may nandidilat na mga mata.
"Ate Trina, nangako ka na hindi ba?" saway ng bata sa akin. Natigil ako kakatawa hinarap ng pormal ang binatang nagpakilalang Kidlat.
"Let's go, Johan! 'diba sabi ng nanay 'di tayo makikipag-usap sa mga taong 'di natin kilala!" wika kong muling tiningnan ng masama ang lalake.
"At nangako ka kay nanay na hindi ka na muling makikipag-away pa," suway nito akin. Napasimangot ako sa ginawang panenermon ng kapatid ko sa harap namin.
"Salbahe kasi siya!" sagot kong hindi napigilan ang sarili.
"Ate matanda ka na dapat hindi ka na nakikipag-away pa, " ani ni Johan sa akin. Walang akong nagawa tanging kamot-ulong tumalikod ako sa mga ito sa hindi magawang suwayin ang panenermon sa akin ng kapatid ko.
KIDLAT POV
SINUNDAN ko ng tingin ang dalagang natalo ng kapatid sa kabila ng tapang na ipinakita nito kanina lang sa akin.
"Pasensiya ka na sa ate ko matigas lang ulo n'on pero mabait 'yon. Manliligaw ka ba niya?" inosenteng tanong nito sa akin. Hindi ko napigilang matawa sa tanong nito para sa intensyon ko kung bakit nandoon ako sa lugar nila at kung bakit hindi inaasahang nagharap kami ng ate nito sa hindi inaasahang pagkakataon.
"Mabuti pa sundan mo na si dragona baka magliyab bahay niyo bumuga ng apoy 'yon galit e, " pag-iiba ko sa tanong ng bibong bata sa harap ko. Sinundan nito ng tingin ang kapatid at muling binalik ang tingin sa akin.
"Sigi! Baka nga magbuga ng apoy kawawa naman, ingat ka kuya," maabait nitong tugon sa akin sabay tumalikod matapos magpaalam sa akin. Sinundan ko ng tingin ang magkapatid bago muling nakipag-usap sa ilang taong nand'on.
TRINA POV
"Hindi mo ako dapat pinagsabihan sa harap ng mayabang na 'yon!" mahinang sabi kong sabi at sapat na para marinig ng kapatid kong si Johan. Napa-kibit balikat itong tumingin sa akin.
"Mukha naman siyang mabait."
"Hindi mo siya kilala," giit ko sa nakababatang kapatid. Dahil may balak pa yata itong ipagtanggol ni Johan sa akin, sa kabila ng ginawa nitong pamimikon sa akin. At sa tunay na intensyon nito kung bakit ito nandoon sa lugar namin.
"At hindi mo rin siya kilala, Ate."
Tinanggal nito ang nakakibit balikat kong kamay hinarap akong nakangiti.
"Ate, masama manghusga sa isang taong hindi natin kilala pareho," panenermon nito.
"At masama magtiwala agad sa taong tulad ng sinabi mo na 'di natin parehong kilala." Tumalikod ako matapos sabihin ang mga salitang yon sa kaniya. Iniwanan ko ito ang bunsong kapatid ko sa maliit na sala namin. Naisip ko kong alam lang siguro ni Johan ang totoong pinaglalaban ko tungkol sa lupang kinatatayuan ng mga bahay namin na gustong sirain ng mga lalakeng nakaharap ko kanina--- lalo na ang engineer na 'yon na sa hinuha ko ang siyang magiging inhinyero sa ipapatayong condo.
"Ipaglalaban ko karapatan namin sa lupang ito. Dito kami iniwan ni mama at papa tulad nila dito lang kami mamatay," tukoy ko sa mag-asawang halos nagpalaki na sa amin mula nang iwan kami ng totoo naming nanay sa mga kamay ng namayapang mag-asawang nagbigay sa amin ng walang hanggang pagmamahal noon. Napatungo ako sa naisip, hindi ko napigilan ang sarili kong mapatingin sa kawalan.
KIDLAT POV
"Sir Kidlat, nagpatawag ng meeting si Mr. Chong Go," salubong ng sekretarya ko pagbalik ko ng opisina galing sa maliit na Baryo ng Masinag. Napabuntong-hininga ako sa agad na binalita nito sa akin tungkol sa totoong may ari ng lupang kinatitirikan ng mga bahay sa pinuntahan ko.
"Ano na naman kailangan ni Ung Goy?" tanong ko rito nang makaupo ako ng maayos sa swivel chair ko. Napalingon ito sa paligid-- may takot sa mga mga matang baka may nakarinig sa mga sinabi ko.
"Sir, baka may makarinig sa'yo," anito. Natawa sa takot na nakita ko sa mata ng sekretarya ko sa tawag ko sa chinese bussiness man ang may-ari ng kompanyang pinagtratrabahuhan ko.
"Okey. What is all about?" tukoy ko sa meeting na tinutukoy nito.
"Tungkol raw sa lupa niya sa Baryo Masinag."
Nagtaas ako ng tingin sa sinasabi ko na nga bang lupang tinukoy nito. Ang lupa kong saan nakatira ang dalagang pinakilala sa akin na si Trina ng kapatid nitong si Johan.
"Bakit daw?"
"Kung magmamatigas pa rin daw ang mga residente don mapipilitan si Mr. Chong Go na idaan sa santong paspasan ang pagpapa-alis sa kanila at walang makukuhang kahit na cinco mula sa kompanya," walang prenong balita nito sa akin tungkol sa maitim na plano ng matandang tsinoy. Nagmadaling akong tumayo, may kailangan akong balikan sa lugar kailangan niya itong kausapin sa santong dasalan kilala niya si Mr. Chong Go alam ko kong gaano ka walanghiya ang intsik na 'yon.
"Sir Kidlat, Sir!" napasinghap ang dalaga sa biglang pagtalikod ko rito. Aniyang may katigasan na talaga ang ulo ko at ang tangi ko lamang maipagmamalaki ang puso ko sa pagdating sa trabaho.
TRINA POV
"SINO YAN!" sigaw ko pag-aakalang si Dina na naman ang kumakatok ng malakas sa pinto namin. Baka may dala na naman tsismis tong kaibigan ko.
"Sanda---lii, ikaw?" Nagulat ako sa napagbuksan ko. Walang iba kundi ang lalakeng kanina lang nakasagutan ko sa suot nito halatang nakapag-ayos na ang binata.
"Kailangan natin mag-usap!" sabi nito sa akin. Na agad na kinataas ng kilay ko.
"Ano na naman ba kailangan mo? Ang kapal naman ng mukha mong pumunta pa rito sa pamamahay ko," galit kong bulyaw sa binatang hindi ko nakuhang papasukin sa bahay ko at baka ano na naman ang gagawin nito.
"Hindi ako nandito para makipag-away sa'yo!"
"E, ano ang kailangan mo? Kilala ko ang mukhang 'yan mister kong nandito ka para manligaw sa'kin pagkatapos mong makuha ang pangalan ko. Pwes! Makakaalis ka na wala kang lugar sa puso ko! Hindi ako basta-basta nagpapaligaw lalo na sa katulad mong hambog!" Napakunot-nuo ito.
"Okey ka lang? Baka naman kailangan mo ng kape para kabahan ka! Ikaw? Ako? Manliligaw sa'yo?" Nakaramdam ako ng pamumula sa naalalang mga sinabi ko sa binatang liligawan ako nito. Pinagmasdan ko ito ng muli itong yumuko para magpantay kaming dalawa. Napahawak ako sa dahon ng pinto para makaiwas sa mata nitong maganda ang pares. Aminin ko man o, hindi. Samahan pa ng nakakaakit nitong ngiti.
"Miss Dragona. Hindi kita type!" bulong nito sa punong teynga ko sabay na pinakawalan ang pinong tawa sa harap ng mukha ko. Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa mukha nito.
"Mister Antipatiko! Suplado! Mahangin, Mayabang! Hindi rin kita type!" malakas kong pagkakasabi sa harap nito bago muling sinirado ng malakas ang pinto namin.