Marahang nahawakan niya ako sa braso bago pa man ako mapaliko sa pasilyo. Inis na hinarap ko nga. "May problema ba?" masuyo niyang tanong. "Bakit hindi mo tanungin 'yang sarili mo kung may problema nga ba!" "Paano ko malalaman, Cin, kung hindi mo sasabihin sa akin?" "Bakit hindi mo itanong do'n sa bawat babaeng nakakasalubong natin na nakakakilala, nagpapapansin at obviously ay nagpapa-cute sayo!" Natigilan siya at sa wakas ay nakuha din ang sentimyento ko... nagpigil siya ng ngiti. "So, nagseselos ka sa kanila?" "No!" disgusted kong depensa saka umiwas ng tingin sa kanya at nagtaas ng noo. "Bakit naman ako magseselos? I am the great Francine Lazzaro, the Miss HU of the Year and the campus queen! The dream of every man in this school and the insecurity of the girls!" "Talaga lang h