"FRANCINE!" Napalingon kami ni Ice sa tumawag sa akin. Ang kaklase kong si Noah at kasalukuyang ka-pair ko sa isang requirement sa major subject. "Noah!" nilapitan ko ito. "Narito nga pala at nagawa ko na ang powerpoint presentation natin." inabot nito sa akin ang isang flashdrive. "Nai-include mo ba yung ideas at mga nai-search ko na pinasa ko sa email mo last night?" Tumango siya. "Oo. Na-include ko lahat. Your ideas were great. Such a big help sa presentation natin para bukas." Napangiti ako. "Talaga? Thank you ha." Ngumiti rin ito. "Walang problema, Francine." Naramdaman ko naman bigla ang paghapit ni Ice ng baywang ko, para bang pinakikita sa amin ng kausap ko na pag-aari niya ako. Oh my Ice! He's being possessive now! "Ahm, sige, Francine, una na 'ko." paalam naman bigla ni