bc

Romantic Heartless Heartthrob

book_age16+
1.4K
FOLLOW
5.9K
READ
drama
tragedy
sweet
heavy
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

Sa bagong katauhan ni Thyrone Miller ay hindi naging madali ang muling pagpasok ni Gethca sa kaniyang buhay. Sa muli nilang pagkikita, kaugnay ng sakit na bakas ng nakaraan ay hindi nila akalain na mas magiging mahirap pa ang sitwasyon.

Subalit malaki ang pinagkaiba ng nakaraan sa kasalukuyan, bukod sa iniingatang pagkatao ni Thyrone ay iniingatan din niya ang kaniyang reputasyon para sa ibang taong nakakakilala sa kaniya.

Ngunit paano kung bumalik muli kay Gethca sa kaniyang isipan ang mapait na kahapon upang itulak papalayo si Thyrone?

Gaano nga ba kasakit ang nakaraan para hindi kaagad mapunan ng magagandang alaala?

Magagawa kayang itama ang nakaraang pagkakamali sa pamamagitan ng pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ito ang magiging nature of work mo, Ms. Silvestre," sabi sa kaniya ng assistant data analyst na si Mrs. Gomez. Dahan-dahan siyang napapatango sa bawat ituro nito. At bawat nadadaanan niyang mga empleyado doon ay binibigyan niya ng matamis na ngiti. Hanggang sa nagpunta sila sa isang magandang kuwarto at ewan ba niya kung bakit nakaramdam siya ng pamamawis ng kamay dulot nang pagkakaba. "Ito ang room ng boss natin," kaswal pang wika nito. Doo'y saglit siyang napabuntong-hininga. "B-boss natin?" uutal-utal niyang sabi. Hindi niya maintindihan ngunit nang sandaling makita niya kanina ang pangalan nito sa bulletin ay tila nagkarerahan sa pagtibok ang kaniyang puso. Marahang inikot ni Mrs. Gomez ang doorknob at umalingawngaw ang tunog nito mula sa pagkakabukas. Sandali siyang napalibot ng tingin sa buong opisina at hindi mapigilan ang sarili na mamangha sa ganda ng awra nito. Subalit sa hindi kalayuan ay agad niyang napuna ang lalaking seryosong nakaupo at nakatitig sa kaniya. Inihanda niya ang sarili at klarong sinuyod ng kaniyang mga mata ang lalaking nakaupo sa swivel chair. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay agad na bumilis ang t***k ng puso niya. Nanlamig ang kamay niya dulot nang pamamawis nito at nanginig ang kaniyang buong sistema. "Good morning, Sir Thyrone. I want you to meet your new secretary," ani Mrs. Gomez habang seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya. Tila kinikilatis nito ang kabuuan niya. Napatingin ito kay Mrs. Gomez at napangiti ng kaunti. "Thankyou, Gina." Animo'y nagandahan siya sa kakisigan ng boses ng amo niya. Subalit hindi maalis sa kaniyang isipan ang pagiging pamilyar ng itsura nito. "You may leave us now, Gina," anito na lalong nagpalakas ng kabog ng dibdib niya nang ibaling muli nito ang tingin sa kaniya. "And you are?" Huminga na muna siya ng malalim at pinilit lakasan ang loob kahit feeling niya ay mahihimatay na siya sa presensya ng magiging boss niya. "Goodmorning, Sir Thyrone, I am Gethca Silvestre, I am your new secretary." Napataas ang kilay nito na lalong nagpakaba sa kaniya. Umayos ito nang pagkakaupo bago pa muling nagsalita. "Nice meeting you, Ms. Silvestre, so what are you willing to contribute in this company as my secretary?" Halos mapanganga siya sa itinanong nito kaya hindi agad siya nakapagsalita. "Ms?" "Yes, sir? I'm sorry. " Humugot siyang muli nang lakas ng loob bago sumagot. "Since, this is my first job.. so that, I will do my best of my knowledge & expertise as long as you've not felt me wrong of choosing me.." Pagkatapos niyang sabihin 'yom ay parang walang nagbago sa reaksyon ng mukha nito at unti-unting napaawang ang labi habang sumilay ang pagkakunot sa noo nito. "So you said that I'm the one who accepts you?" Napalunok siya. Nasusungitan siya sa presensya nito pero gayunpaman ay kailangan niya pa ring habaan ang kaniyang pasensiya. Pero bago pa siya muling makasagot ay naunahan na siya nito. "O, that's all? I thought that you might give me a wonderful introduction?" he said sarcastically. "You looks nervous, miss. C'mon, its your first day of being my secretary, so do anything on your job very well that would make me impress." Napaawang ang bibig niya at hindi na nakapagsalita. - Isang linggo ang lumipas matapos siyang maipakilala sa boss niya ay nasanay na rin siya sa routine ng kaniyang trabaho. Bilang secretary, ay hindi lang pagsagot sa mga incoming calls at pag-aasikaso ng mga papeles ang kaniyang trabaho, kundi ang pag-aasikaso na rin sa kaniyang boss na nuknukan ng g'wapo ah este-- sungit! Kasalukuyan siyang nakatutok sa may laptop nang matunugan ang pagdating ng kaniyang boss. Pero hindi siya nagpaapekto sa presensya nito at sa halip ay piniling mag-focus sa ginagawa. Kahit na noong unang kita niya pa lang dito ay talagang na-attract na siya subalit nagkukubli ang lungkot at sakit na dulot ng nakaraan dahil na rin sa pamilyar sa kaniya ang mukha nito. "You're really serious, hah?" Bungad nito sa kaniya. Umupo ito sa swivel chair at bumilis ang pintig ng kaniyang puso sa simpleng pagsulyap nito sa kaniya. This guy is automatically make her heart beats abnormal. "Nandiyan ka na pala, Sir Thyrone.." pagkukunwari niyang hindi napansin ang pagdating nito. Nag-iwas siya agad ng tingin dahil hindi niya maiwasang mapatitig sa kakisigan nito. "Ah.. coffee, sir?" "Yes, please." Dali-dali siyang nagtungo sa mini kitchen ng opisina at nagtimpla ng kape para sa boss niya. Ilang saglit lang ay natapos na siyang magtimpla. "Here, sir." Pagkaabot niya ay kaniyang narinig ang paghinga nito dahil malapit na ang distansya nilang dalawa. "How about you?" pagtatakang tanong nito. Napansin kasi nitong isa lang ang tinimpla niyang kape. "H-hindi po ako umiinom ng kape, sir." "Oh--" Napaawang ang labi nito at saka napatingin sa screen ng cellphone na tumatawag. Kunot-noong sinagot nito ang tawag dahil siguro biglaang istorbo. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa kanina nang mapansin ang paglabas nito upang sagutin ang tawag. Napabuntong-hininga siya at nabalik sa focus ang ginagawa. Pero ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na rin ito na mukhang balisa. "Gethca," tawag nito sa kaniya. "Yes, sir?" "May meeting ako this morning, after lunch aasahan ko na tapos mo na 'yan," seryosong sabi nito habang isinusuot ang coat na kanina'y nakasabit sa swivel chair. "Yes, sir.." Nang makaalis na ito ay napahinga muli siya ng maluwag at saka nagpatuloy sa ginagawa. Her boss makes her nervous in just a snap. Gabi na nang makauwi si Gethca sa apartment na tinutuluyan niya. Kasama niya ang kaniyang kaibigan na si Devine, na nagtatrabaho rin sa isang malaking kompanya. "Oh, bakit mukhang pinagsakluban ng langit at lupa 'yang mukha mo?" Napasinghap siya at pinasadahan ng tingin ang kaibigan. "Kailangan ko pa bang ikuwento, Dev?" "Okay. So.. 'yong masungit na boss mo na naman.." Dahan-dahan siyang napatango. "Well, baka naman kasi hindi lang kaba ang nararamdaman mo sa tuwing nakikita siya.." Binigyan siya nito ng mapanuksong tingin. Napairap siya sa sinabi ng kaibigan, tila takot mahuli ang tunay na nararamdaman. Pero hindi pa rin siya nakaiwas sa sinabi nito. "Baka gusto mo siya Gethca." Napalunok siya ng ilang beses. "I can see you in your eyes, the way that you're telling me about him." She felt shyness, knowing that her friend is trying to catch her feelings. "Ah! Tumigil ka nga, Devine! Sa ganda kong 'to, hindi ko na kailangan magpantasya sa isang taong imposibleng magkagusto sa akin." Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa pagtatago ng nararamdaman. "Sabagay, mayroon ka naman kasing masugid na manliligaw na willing maghintay kahit gaano katagal, 'di ba?" Doo'y napakunot ang noo niya. "Tumigil ka nga, Dev. Hindi ko talaga siya gusto." At agad silang napabalikwas sa pagbangon nang marinig ang door bell. "Speaking of your suitor.." napapahagikhik na tugon ni Devine at binigyan niya lang lamang ito ng whatever look na ngayon ay tila nanunukso ang tingin. "Mag-ayos ka na, baka sakaling maudlot ang panliligaw sa'yo ni Lei kapag nakita ka niyang nakabusangot diyan." "Heto na nga!" Kahit ayaw niya itong harapin ay napilitan siyang bumangon, naaawa pa rin kasi siya dito. Matagal na siyang nililigawan ni Lei, almost two years na rin yata, pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na sagutin ito. Ewan ba niya kung bakit kahit ilang beses niya itong ipagtulakan ay pilit naman itong lumalapit kaya hinayaan na niya. Agad niyang tinanggap ang dala nitong bouquet ng flowers at umupo sila sa may sofa. Hinayaan na muna sila ni Devine na makapag-usap. Ganito ang oras ng panliligaw nito dahil sa trabaho. "Kailan mo ba ako titigilan, Lei?" prangka niyang tanong. Ayaw niya na rin kasing pahirapan 'to. "Hanggang sa sagutin mo na ako?" Napangisi siya sa confidence nito na kasing taas yata ng eiffel tower. Napa-crossed arm siya at tiningnan sa mata si Lei, guwapo rin naman 'to at edukado pero ewan ba niya at hindi niya nadama rito ang kilig factor ever since. "Okay, fine. As you want, hahayaan kita na manligaw, pero.. kung sakaling suko ka na.. please let me know." Napahakipkip siya at seryoso siyang tiningnan nito habang siya ay hindi mapawi ang pagkainis sa tuwing sinasabihan siya ng mabulaklak na salita ng binata. "Kailan ba ako sumuko, Gethca? Hinding-hindi mangyayari 'yon." Napabuntong-hininga siya. Gusto na niyang talikuran ito at magpahinga na pero may hiya naman siya para gawin iyon. Kinabukasan.. "Good morning, Gethca." Animo'y nagliparan ang paru-paro sa kaniyang tiyan nang nakangiti siyang binati ng kaniyang boss. "Good morning din, Sir Thyrone." Pagkasabi ay hindi sinasadyang dadako ang kaniyang tingin sa name plate nito na nasa sa table. Thyrone Miller Naalala niya noong nag-a-apply pa lamang siya sa kompanyang ito. At nang umpisang mabasa niya ang pangalan nito sa labas ng opisina ay nakadama na siya ng kaba. Hindi niya alam pero may kakaibang feeling siya na hindi niya maintindihan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook