Thirteen ~

2376 Words

NAABUTAN nina Evanna at Julie si Adam na may kausap na tatlong lalaki sa mesa nito. Nakakunot ang noo ni Adam na tila ba may hindi nagugustuhan sa pinag-uusapan ng mga ito. May sinasabi ito sa mga kausap at pawang mga tango lamang ang isinasagot ng mga ito. Pagkuwa'y tinapos nito ang pakikipag-usap nang makita sila ni Julie roon. "Ms. Evanna is here, Mr. Joaquin." Pormal na tinig ni Julie. "Thanks. Leave us, Julie. I will call you when I need you." Adam dismissed. Lumabas na rin si Julie at sila na lang dalawa ni Adam ang naiwan sa loob. Naupo ito sa puting sofa na nasa loob ng opisina. Sinenyasan siyang maupo rin sa tabi nito. Nakakunot man ang noo ni Adam, hindi naman nakabawas iyon sa paghangang nararamdaman para dito, o baka sobra lang siyang nasabik na muli itong makita pagkatapos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD