Nagising si Samantha sa isang malambot na kama. Naguguluhan syang bumangon ngunit ng makaramdam ng hilo ay mas pinili nalang nyang humiga. Agad nyang inalala ang mga nangyare. Oo nga pala, nawalan sa ng malay sa gitna ng maraming tao ngunit may sumalo sa kanya at pagkatapos nun ay wala na syang maalala.
"Gising kana pala." malambing na tinisg ang pumukaw sa malalim na pagiisip ng dalaga. Nang lingunin ay agad na natulala si Samantha dahil sa lalaking kaharap. Maputi ito na may singkit na mata at mamumulang labi. Matangkad at may magandang pangangatawan. Tila natuyo ang lalamuna nya sa ganda ng tanawin nagigisnan. Yes Patrick is so damn hot pero etong lalaki sa harap nya ay masasabi mong isang greek God sa kapogian.
"Is there something wrong with my face? pukaw nito sa tulala dalaga
"Ah-eh sorry, ang pogi mo kasi,hehe. Asan nga pala ako? Sa tingin ko kailangan ko ng umuwe" nauutal nyang tugon
"You're in my house in Forbes and i think hindi kita papayagang umuwe kasi namumutla ka. Tumawag na ako ng doctor para i-check ka." paliwanag ng binata
"Pero nakakahiya na sayo. Hindi mo naman ako kilala pero tinulungan mo ako. Sobrang thank you para dun pero uuwe nalang ako" at nagmamadali syang tumayo ngunit bigla naman syang natumba. Mabuti nalang at maagap ang lalaking kaharap at nasalo sya nito
"See? That's the reason kung bakit ayaw kita munang pauwiin pero if you insist, let's wait for the doctor first okay?
"Hmm" tanging nasagot na lamang nya
"By the way, Im Clark, Clark Prince Belmonte and your Samantha right? Samantha Diaz" pagpapakilala nito
"Pano mo nalamang ang pangalan ko?" nagtatakang tanong nya
"Nagkabungguan tayo sa elevator months ago remember? And simula nun, hindi na ako matahimik kaya inalam ko ang lahat ng tungkol sayo" paliwanag nito
Naguguluhan na na nakaramdaman ng onting takot ang dalaga. Ngunit pakiramdam nya ay mabuting tao naman ang kaharap nya
"Don't be afraid, wala akong gagawin sayong masama. It's just that nakuha mo ang atensyon ko and it's a first for me. I'm really attracted to you, that's all"
"Bakit ako? Nakita mo naman itsura ko, ang taba ko at ang panget saka sa pogi mong yan, wag mo kong pagtripan" mataray na may pagtatakang sagot nya
"Hahahaha. Im not into looks and your really interesting. hahha"
"Ano kayang nakakatawa dun? nakangusong maktol nya
"Hey Lady, stop pouting or else I will claim that lips of yours" banta ni Clark sa kanya. Agad namang tinikom ni Samantha ang kanyang labi.
"By the way, ipapahanda ko na ung pagkain mo, for sure gutom kana"
"Sobrang salamat Mr. Belmonte"
"Clark nalang Sam, feeling ko tinatawag mo ung daddy ko" nakangiti nitong pakiusap
"Sige C-clark" nahihiyang tugon nya. Mabilis namang naipasok ang pagkain sa silid kung nasan si Samantha ngunit sa di nya maintindihang dahilan ang bigla syang nakaramdam ng pagkaduwal.
"What's wrong Samantha? Dito ung washroom" nagaalalang tanong nya
Agad namang tumayo si Samantha ay tuluyan ng sumuka. Dahil wala pang laman ang tyan ay hinang hina ito. Binuhat nalang sya ng lalaki at muling hiniga sa kama.
"Hindi mo ba gusto ang pagkain?
"Hindi naman pero ung amoy ng gatas kasi kaya nasuka ako, sorry" paliwanag nya
"I see, Would like pineapple or orange juice instead? alok nito
"Sige un nalang siguro" pagsangayon nya
"Ikukuha lang kita For the meantime humigop kana ng soup para mainitan ung sikmura mo, okay"
"Sige, salamat ulit" agad namang kumain si Samantha dala na din ng gutom
"Mabuti naman at magana ka ng kumain" bungad ng lalaki sa kanya
Nahihiya man dahil feeling nya PG sya sa paningin ng lalaki ay napasagot din ito " oo eh, feeling ko kasi ilang linggo akong di nakakain, hehe"
"Eto na ung juice mo and by the way this is Doktora Medina. Doc, this is my Samantha Diaz"
Agad na dinaluhan sya ng doktor upang obserbahan at magtanong sa mga nararamdaman nya.Naging honest naman ang dalaga at sinabi ang sitwasyon nya
"Thank you so much Doc Medina. We'll visit your clinic tomorrow morning for her follow up check up."
"I'll wait and please, ung mga bilin ko. We'll never know unless masigurado natin bukas. okay?" bilin nito
"Copy Doc, ingat po kayo" paalam ng lalaki
"Salamat po ulit Doc" pahabol ni Samantha
"I knew it. Siraulo talaga ung lalaki na un. How can he do this to you! Damn it!
"C-clark, ano kasi? at tuluyan na syang naiyak sa sitwasyon nya. Hindi nya alam kung paano magsisimula. Ang lalaking minahal at inakalang makakasama habang buhay ay kasal na ngayon. Sabagay, bakit nga naman sya umasa na totoong mahala sya nito. Halos wala pang isang buwan ng huli silang magkita, nakausap nya pa ito. Kaya pala bigla nalang itong tumigil na kontakin sya. Hindi narin sya sweet. " Paano na kami ngayon ng anak ko" hagulgol ni Samantha
"Shhh, sshhhh. stop crying Sam, hindi mo ba narinig ung bilin ni doktora, bawal kang ma-stress dahil mahina ang katawan mo. Andito pa ako, tutulungan kita, I promise" pangaalo nito sa kanya. Napakayakap nalang ang dalaga sa lalaki. Patuloy ang pagiyak para sa kakaharaping problema hanggang sa makatulugan na nya.