Nasa byahe na pauwe ang magasawang Clark at Samantha. Sobrang excited na silang magayos ng mga gamit na pinamili nila para sa mga anak nila. Wala ng ibang mahihiling pa si Samantha sa buhay nya. Mayroon syang asawa na sobrang mahal sya at makakasama habang buhay. Mga anak na ilang buwan nalang ay masisilayan na nila. Syempre hindi parin nakakalimutan ng asawa nya na paligayahin sya. Kahit naman na malaki na ang tyan nya ay may paraan parin para magisa ang kanilang katawan. Minsan ang nakatayo, nakatagilid o kaya naman ay nakatalikod. Pero may kasamang pagiingat dahil narin sa hindi masyadong makapit ang mga bata. Nung kabwunan na nya ay hindi na sya p[inayagang lumabas ng doktor, muntik na kasi syang makunan ng minsan magikot sya sa tinitirhang subdivision. Abot langit ang pagalala ni Clark sa kanya kaya napilitan narin silang kumuha ng private nurse upang bantayan ang asawa. Araw ng lunes ng biglang sumakit ang tyan ni Samantha. Tinawag nya ang nurse dahil hindi na nya kaya ang sakit, Nagkataong wala naman si Clark ng araw na un dahil may emergency sa kompanya.
"Nurse, dalhin mo na ako sa hospital please, H-hindi ko na kaya" naiiyak na pakiusap nya. Agad na nagpatawag ng ambulansya upang ipasundo sila ngunit nagulat sila ng biglang umagas ang dugo sa hita ni Samantha at biglang nawalan ng malay.
"Ma'am, ma'am" natataranta na ang mga tao pati narin ang nurse. Sa wakas ay dumating na ang ambulansya. Agad naman nilang tinawagan si Clark upang ipaalam ang nangyare.
"What?!! My wife? Where is she??" hystercial ni Clark sa kabilang linya
"Nawalan po ng malay Ma'am Samantha Sir pero stable na po sila ngayon ng mga baby. Otw na po-----tooot tooooot" ngunit naputol ang usapan nila. Nakarinig na malakas na tunog si Clark sa kabilang linya na lalong nagpakaba sa kanya