Episode 11

2309 Words

Cierra Maureen's POV Naglalakad ako papunta sa garden ng makita ko si Minton na papunta sa akin. Tinaas niya ang kamay n'ya at kumaway sa banda ko. Napalingon ako sa paligid ko pero mukhang ako nga ang kinakawayan niya. Nakita ko sa likod ni Minton si Ynah na masama ang tingin sa akin. Siguradong nagseselos siya dahil may gusto siya kay Minton pero kahit kailan hindi siya pinagtuunan ng pansin nito. Ayoko ng gulo kaya agad akong tumalikod na parang walang nakitang Minton. "Ang layo na naman ng iikutin ko nito," bulong ko sa sarili ko at nagmamadaling maglakad habang hawak ang tote bag ko. Sa kabilang gate na lang ako lalabas para makarating sa garden. Ayoko rin makausap muna si Minton dahil baka kung ano na naman ang itawag niya sa akin. "Cierra!" Napalingon ako sa likuran ko at ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD