Cierra Maureen's POV Nakailang text na ko kay sir Francoise pero wala pa rin akong natatanggap na reply sa kanya. Gusto ko lang naman sabihin na hindi ko boyfriend si Minton pero mukhang blinock pa niya ang cellphone number ko. Nakakainis kasi si Minton. Bakit ba naman tinawag pa niya ko sa kung ano-ano. "Miss Cierra, baka po masira na ang cellphone mo sa kakadutdot." Napatingin ako kay kuya Danny na nakaupo sa driver seat. Napabuntong hininga ako at ipinasok na lang ang cellphone ko sa loob ng bag ko. Nagsisimula pa lang ang umaga ko pero pakiramdam ko ay pagod na ko dahil napuyat ako sa kakaisip kay sir. Baka mas lalo siyang makulitan sa akin at hindi na ko bigyan pansin. "Nasaan na ba tayo, kuya Danny?" mahinang tanong ko habang nakasandal sa kotse. Ubos na ubos ang lakas ko tala