Cierra Maureen's POV No one can understand me. Kahit si sir Francoise pa 'yon dahil kung talagang naiintindihan niya ang pangungulit ko sa kanya ay hindi niya sana sinasayang ang pagkain na 'yon. Hindi niya alam kung gaan kahalaga sa akin ang bawat butil ng pagkain na hinahanda ni mama. Nahihiya ako kay mama dahil pinahihirapan ko siyang maghanda ng dalawang bento box pero sinasayang naman pala ng taong kinukulit ko. Akala ko pa naman tinatanggap niya lahat ang binibigay ko sa kanya pero tinatapon niya rin pala ito ng hindi man lang kinakain. Paano kaya ang ballpen na binigay ko sa kanya? Paano naman 'yon? Sayang 'yon dahil baka tinapon na rin niya. "Bakit hindi siya marunong pahalagahan ang mga binibigay ko? Alam ko naman na studyante lang ang tingin niya sa akin pero sana naman sinabi