NAKATULALANG nakaupo si Chelle sa sofa. Kanina pa niya hinihintay ang pagbalik ni Leon para maipaliwanag ang sarili at handa ng maghubad ng maskara dito. Ipakilala ang sarili bago pagdesisyunin si Leon kung maghihiwalay pa rin ba sila. Napalingon ito sa may pinto na tumunog ang doorbell na ikinatayo nito. Nagpahid ito ng luha na nagtungo sa may pinto na pinagbuksan ang bisita. "Leon?" Napalis ang ngiti nito na hindi si Leon ang nakatayo sa harapan ng pinto. Nangunotnoo ito na napatitig sa may edad na lalakeng naka-formal attire at may dalang attache case. "Good afternoon, Ma'am. I'm Attorney Chavez. Family lawyer of Madrigal's family. Can I come in?" pormal nitong saad na ikinalunok ni Chelle at niluwagan ang pinto. "Tuloy po kayo, Attorney," magalang saad nito na kiming ikinangit