NATATAWANG napailing si Chelle na ikinatigil ni Leon. "Have you forgotten kung sino ang pinakasalan mo, hmm?" saad nito sa nang-uuyam na tono. Napalunok si Leon na ma-realize ang punto nito. Tama naman ang dalaga. Ang isang Chelle Baltazar ang pinakasalan niya. Hindi ang isang Princess Richelle Montenegro na kaharap nito ngayon. Kahit hindi pa annul ang kasal nila ay. . . walang bisa iyon. Dahil walang Chelle Baltazar ang nage-exist sa mundo. Ngumisi si Chelle na tinaasan ito ng kilay na mabasa ang panghihinayang at lungkot sa mga mata ni Leon. "Anyway. . . starting tomorrow? Hindi ka na dapat pagala-gala dito sa opisina ko, okay?" ani Chelle na nakatutok na sa laptop nito. Natigilan si Leon sa paghahanda ng tanghalian nila sa sinaad ni Chelle. "A-ano?" halos pabulong tanong nito.