ISANG linggo din namalagi si Leon at Chelle sa isla bago bumalik ng syudad. Mabuti na lang at hindi nagtatanong si Leon ng tungkol dito. Kung anong buong pangalan at saan nakatira. "Sweetheart, saan kita ihahatid, hmm?" tanong ni Leon habang pababa na sila ng elevator. Sa rooftop ng condominium kasi sila bumaba sakay ng private chopper ni Leon. "Uhm, magpapasundo na lang ako sa lobby, Leon." Sagot ni Chelle na ikinakunot ng noo ni Leon. "No. I insist. Ihatid na kita, sweetheart." "Hwag na. Tawagan ko na lang ang sundo ko, hmm?" kaagad na sagot ni Chelle na pinalambing ang tono. Napahawak ito sa kamay ni Leon na nagpakurap-kurap pa habang nakatingala dito. Nagpapacute na parang bata. Para namang malulusaw si Leon na hindi makatanggi dito. "Are you sure?" "Yeah. Salamat," ani Che