NAGING successful ang naging plano ni Chelle na pagpasok sa kumpanya ni Leon na hindi nito namamalayan. Buong akala nito ay nasa ten percent lang ang shares ng nobya na kanyang ibinenta dito. Ni hindi na nagawang basahin ang documents at basta na lang nilagdaan ang pagpasa ng ten percent sa pangalan ni Chelle dahil sinasadya ni Chelle na landiin ito. Bagay na gustong-gusto naman ni Leon lalo na't mas lalong naging daring, sexy at gumanda pa lalo ang nobya sa aura-han nito ngayon. Matapos ang ilang oras nitong pananatili sa opisina ni Leon ay nakawala din ito. Halos hindi na nga ito tantanan ni Leon na kung saan-saan inangkin sa loob ng opisina nito. Hindi naman makatanggi si Chelle dahil katawan niya ang gamit na siyang kahinaan ni Leon kaya naging successful ang plano nito. NAPAPANGI