04

702 Words
Mesiree's POV; Bakit ang bilis ng mga pangyayari?totoo kasal na kami?may asawa na ako? Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa napakagwapong nilalang na nasa harap ko na walang emosyong umiinom ng wine. "Anong tinitingin tingin mo?"walang buhay na tanong niya sakin bago ako titigan sa mata. "Ano ba talagang gusto mo?"tanong ko bago kuhanin yung baso sa coffee table na nasa pagitan naming dalawa at magsalin ng wine sa baso. "Hindi ko maintindihan bat kailangan mo akong pakasalan."ani ko bago inumin ang wine na nasa bas---. "I want to f*ck you."balewalang sagot ng kupal na ito na kinabuga ko ng iniinom ko na wine. "Bastos ka!*cough*"sagot ko habang hawak ang dibdib ko at nakatitig sakanya ng masama. "Then stop asking kung ayaw mo sa sagot ko."walang buhay na sagot niya na kinainis ko ng sobra. Ano bang klaseng tao siya nakakainis. --- Hanggang ngayon hindi ko pa din maiwasang humanga sa buong paligid nitong mansyon. Transparent and black kasi yung motif ng mansyon na hindi ko alam na pwede pala. "Gaano kaya kayaman ang gagong yun?"bulong ko habang nag iikot ikot sa buong paligid. Lalabas na ako ng pinto ng kusang bumukas yun at bumungad sakin yung kambal na tauhan ni Dark. "Ohh aga mo nagising Mrs.Winston."tila nangaasar pang sambit nung lalaking kukay chocolate ang mata. "Wag niyo akong asarin baka hindi ko kaya matantya gagapang kayong lalapit sa pinuno niyang may saltik."nanggigil na sambit ko na kinatawa nila pareho. Lalampasan ko sila para lumabas ng iharang nung lalaking naka white tshirt ang kamay niya sa pinto na kinatingala ko. "Anong problema m---." "Binilin ni Pinuno na wag kang palalabasin."putol ng lalaking mukhang matino sa kambal. "No way!ano gagawin niyo akong preso dito?!"naiinis na tanong ko bago siya kabigin patabi kaya nagkabungguan yung dalawa pake ko. Tatapak pa lang ako sa labas ng may mga black in men ang bigla na lang lumabad kung saan at humarang na kinalaki ng mata ko. "Pucha ang sakit nun ang liit liit na tao."rinig kong bulong ng isa sa kambal na hindi ko alam kung sino dahil pareho sila ng boses pucha. "Hoy nga animal!ano toh?!"sigaw ko bago lingunin yung kambal at ituro ang mga black in men na nasa labas. "Mga tao?"patanong na sagot nung lalaking kulay ang chocolate na mata na kinainit ng bunbunan ko. "Putangina wala sa usapan toh diba?!bakit bawal ako lum---." "Dahil sinabi ko."putol ng hinayupak na kinatingin ko sa hindi kalayuan. Andun siya pretenteng nakaupo sa hagdan at....topless asghtdgfsxh. "Magbihis kang nga hayop ka at mag usap tayo!"bulyaw ko bago mabibigat ang paang pumasok at tiningnan ng masama ang mga maid na halos lumuwa ang mata habang nakatingin sa siraulong toh. "At kayo!lumayas layas kayo dito kung ayaw niyong tanggalin ko yang mga eye balls niyo at ipakain sa demonyong nasa harap ko!"bulyaw ko sa mga babaeng nakatitig sa kapal na ito na dahilan para magtakbuhan ito pabalik sa kanikanilang pwesto. "At ikaw na gago ka!sino ka para ikulong ako!wala sa usapan na ikukulong mo ako baka nakakalimutan mong sa papel lang tayo kasal inshort!status lang natin ang magbago!"bulyaw ko kay Dark na wala man lang pakialam at nakatingin lang sakin. Wala akong pakialam kung isa siyang Mafia boss o galing sa notorius na pamilya ang akin lang nabubwisit ako!ayoko sa lahat kinukulong ako! "Kung tapos kana sa kadadakdak kumain na tayo."walang buhay niyang sagot bago tumayo. Lalampasan niya ako ng hilahin ko ang braso niya at iharap sakin. "Wag kang bastos Dark!pikon na pik---." Wtf!!! Halos lumuwa ang mata ko ng saktong pagharap niya hinapit niya ang bewang ko at siilin niya nanaman ako ng halik na kinapako ko sa kinatatayuan ko. "Pikon na pikon na din ako sa kamumura mo nakakairita na oras na ulit mo pa ang kamumura mo sakin hindi lang yan ang matitikman mo."ani niya na this time nang aasar na ang boses nito pati ang ekspresyon na kinalunok ko. Wtf lasang mint! Parang gusto ko na lang lamunin ng sahig ngayon ng makita ko ang tingin ng dalawang tauhan ni Dark na dahil sa kahihiyan imbis kumain tumakbo ako pataas. Hindi na ako lalabas itaga mo yan sa gwapong mukha ng demonyo yun na kinasapak ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD