06

889 Words
3rd Person's POV; "Matagal na kayong kasama ni Dark diba?"tanong ng dalaga ng makitang nilatag ni Crios ang coat nitong suot at mag gesture na dun umupo ang dalaga. "Magkakabata kami."sagot ni Crios ng makitang umupo ang dalaga dun bahagya siyang umatras at tumingin sa napakalaking buwan. "Ganun ba."bulong ng dalaga ng---. "Hindi yan ang gusto mong itanong diba?"ani ng binata na kinaismid ng dalaga. "Kailan ka pa naging mind read---." "Dating kasintahan ni pinuno yung babae kanina."putol ni Crios na kinatigil ng dalaga. "Sabi na nga ba kaya ganun reaction niya."komento ng dalaga ng---. "Oy."napalingon ang dalawa ng lakad takbong lumapit sakanila ang kakambal ni Crios na si Chaos. "Young lady ito yung bag mo diba?"tanong ni Chaos na kinalaki ng mata ng dalaga bago tumayo at abutin yung bag. "Salamat naman at nahanap mo."ani ni Mesiree bago halungkatin yun at ng makita niya ang plawta nakahinga siya ng maluwang bago ilabas yun. "Ang creepy naman ng plawta mo."komento ni Chaos ng makita yung plawta na hawak ng dalaga. "Ito ang pinakamahalagang bagay para sakin."sagot ng dalaga bago umupo at simulang patugtugin ang hawak na plawta. --- "Dark kinakausap kita."ani ng dalagang si Hannah ng makitang mapatigil ang binata. "Dark!"tawag ng dalaga ng makitang tumayo si Dark at lumapit sa veranda. "Wow ang galing mo naman tumugtog."komento ng binatang si Chaos mula sa baba kung san kitang kita ang garden ng mga Winston "Ang musikang yun."bulong ng binata habang nakatingin sa dalagang nakapikit habang tumutugtog. "Dark kinakausap kita,sino ba talaga ang babaeng yun at pinaka---." "Bakit mo ba tinatanong?"putol ni Dark bago harapin ang dalagang si Hannah na kinatigil nito. "A-Ano kas--." "Masyado ng malalim ang gabi lumabas kana ng kwarto ko."putol ng binata hahakbang na ito palayo ng---. "Dark."napatigil ang binata ng yakapin siya ng dalaga mula sa likod. "Chaos sabi kasing---."naputol ang sasabihin ng dalaga ng pagbukas niya ng pinto makita ang dalawang magkayakap. "Pasensya na naistorbo ko yata kayo."ani ng dalaga bago isara ulit ang pinto. "Hannah ano bang ginagawa mo?"walang emosyong tanong ni Dark bago tanggalin ang pagkakayakap sakanya ng dalaga. "Tigilan mo na ang kahibangan mong ito Hannah."naiinis na sambit ng binata bago mabibigat ang paang lumabas ng kwarto. --- "Bwisit siya."naiinis na sambit ng dalagang si Mesiree bago pagsusuntukin ang unan na nasa kama. "Mag sama sila ng feeling anghel n---anong ginagawa mo dito!"bulyaw ng dalaga ng bumukas ang pinto at tuloy tuloy na pumasok ang binatang si Dark. "Ano tapos na kayo nung hannah na yun kaya ka andito?!magsa---." Naputol ang sasabihin ng dalaga ng bigla siyang hapitin ni Dark at siilin ng halik na kinagulo ng sistema ng dalaga lalo na ng palalimin ng binata ang halik nito sakanya. "A-Anong b-bakit mo ako hinalikan hindi naman kita minu---." "Just shut up."madilim ang anyong sambit ng binata bago halikan ulit ang dalaga na sa pagkakataon na ito nasasaktan na ang dalaga dahil halos dumugo ang labi nito sa paraan ng paghalik ni Dark na dahilan para malakas itong itulak ng dalaga at sampalin na kinagising ng diwa ng binata. "Kung nafufrustrate ka wag mo ako idamay!"galit na galit na sigaw ng dalaga at the same time naiiyak. Para namang may kung anong tumamang guilt sa binata ng makitang dumugo ang gilid ng labi ng dalaga magsasalita ito ng tumayo ang dalaga at lumabas ng kwarto. "f**k!"mura ng binata bago naiinis na sinubunutan ang sarili at sunod sunod na magmura. --- "Lady Mesiree anong nangyari?"tanong ni Crios ng makitang hawak ng dalaga ang labi na dumudugo. "Chaos kumuha ka ng first aid kit bilis."utos ni Crios na kinatakbo ni Chaos pababa. "Dalhin mo na lang ako sa ibang kwarto Crios."walang emosyong utos ng dalaga habang naglalakad papunta kung saan. "Iha?"napatingin ang dalaga ng makita ang ina ni Dark na nag aalalang nakatingin sa dalaga. "Ohmygod anong nangyari sa labi mo iha?"nag aalalang tanong ng ina ni Dark ng makitang dumudugo ang labi ng dalaga. "W-wala mommy Celine napasama lang b-bagsak ko."sagot ng dalaga habang nakayuko. "Crios ito na ang first aid kit."biglang sulpot ni Chaos na kinatingin ng ginang. "Akin na ako na gagamot."ani ng ginang na kinayuko ng kambal ng kuhanin ng ginang ang first aid kit at hilahin ang dalaga papasok ng sariling silid. "Mommy Cel---." "Tell me the truth si Dark ba may gawa nan?"putol ng ginang sa dalaga ng iupo siya ng ginang sa kama. "Mommy Celine kasi a-ano--." "Ang batang yun talaga."nanggigil na sambit ng ginang bago halungkatin ang first aid kit. "Hindi ka dapat nagpapaapi iha kundi masasanay si Dark ng ganyan ipakita mong hindi ka niya makakaya kaya magalit ka."ani ng ina ng binata na kinatigil ng dalaga. Dahil sa iniexpect nito sasabihin siyang patawarin ang anak niya sa ginawa. "Dapat turuan ng leksyon ang batang yun hindi porket lalaki siya dapat ka ng saktan."naiinis na sambit ng ginang habang ginagamot ang sugat ng dalaga na kinangiwi nito. "Kung anong parusa mo suportado kita anak okay?turuan mo ng leksyon ang batang yun."panunulsol ng ginang na kinatahimik ng dalaga. "Wala naman po akong balak gawin iiwasan ko lang siya habang nandito kami."sagot ng dalaga na kinabuga ng hangin ng ginang. "Kung yan ang ikapapanatag ng loob mo anak basta pag kailangan mo ako tawagin mo lang ako okay kahit anak ko yun patay talaga siya sakin."ani ng ginang na kinangiti ng dalaga. "Salamat po mommy Celine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD