Karl is a- secret! . . Mas binilisan ko na ang hakbang dahil naiihi na ako. Malaki ang toilet dito at magkatabi lang ang pambabae at ang panlalaki. Walang tao sa mga oras na ito. Wala kasi masyado gumagamit ng oval kaya tahimik ang bahaging gusaling ito. Palapit na sana ako sa pambabae na toilet ng may narinig akong boses. Boses ng dalawang lalaki, galing sa kabilang silid, sa panlalaki na toilet. Nahinto ako. . "Ano ba, intindihin mo naman," tugon ng isang boses na lalaki. "Hindi nga pwede. Kapag nalaman ni daddy ang tungkol sa atin baka mapatay niya ako. Or worst, I'll be ended up in States at ayaw ko iyong mangyari," saad ng isang pamilyar na boses. . Kinabahan na ako at parang napako ako sa kinatatayuan ko. Pamilyar kasi ang boses ng isa sa kanila sa akin ngayon. . "So