Guilt . . MAHIGPIT ang yakap niya sa likod ko habang pinindot ko ang pincode ng pinto ng condo. Ramdaman ko ang pagdampi ng halik niya sa tainga ko. Umalma ako ng konti at iniwas ang sarili ko sa kanya. Palaging ganito ang eksena. Hindi pa ako nasanay sa ganito. Sa loob ng tatlong buwan na kasintahan ko si Sebastian ay hindi ko pa kayang halikan siya ng buo. . I can kiss him, yes, but I can't go more deeper than that. Wala namang mali sa kanya. He's very gentleman, kind , loving and full of surprises. Araw-araw ang padala niya ng tanghalian ko sa opisina. He knows that I am busy at work and he cater a food delivery always for me. . Swerte na nga raw ako, at ako raw ang pinakama-swerteng babae ayon kay Mia. Kung iisipin ko nga naman, tama naman siya. . For the past three months,