Measurement . . Hindi ako mapakali kung ano ang susuotin ko. Kanina pa ako pabalik balik. Dalawang oras na naghahanap at nagsusukat ng damit, at hindi ako makapag-isip. . Ano ba to? Hindi naman ito date at lakad lang na importante. Ba't ba pakiramdam ko parang date na itp at napaparaning itong puso ko! . Nagpaalam na ako kina Mommy at Daddy. Mag t-text na lang ako kay Manong Ted mamaya kung magpapasundo ako sa kanya. I settled for a floral dress na hanggang tuhod ang haba. May short din akong suot baka kasi liparin ng hangin ang palda ko. Nakakahiya naman kong makikita pa pati panty ko! . Naka-flat shoes ako na floral din. Mas madali ito kong sakaling mag takbuhan. Ano ba itong mga naiisip ko? Ang baliw na ng utak ko ngayon. . Tumunog ang cellphone ko at binasa ko ang mensahi r