Chapter 5

2001 Words
DISMISSAL PARKING LOT "Sumabay ka na sa ‘min pauwi." "Hindi na girls, umuna na kayo," sagot ko. "Nyek! Siguro aabangan mo pa dito sir l, no?!" nanunuksong saad ni Rhea. Tumawa ako! Kung alam n'yo lang kong bakit? HAAAY. "Naku! Iba talaga ang in love!" biro nilang dalwa. "Hahahah, si kupido e," sabi ko. "Aba't gagang 'to sinisi pa si kupido!" sabi ni Rhea at nagtawanan kami. Nagpaalam na silang dalwa at umalis. "Asan na kaya 'yun? Siya naman yata ang hindi pupunta eh?" Bulong-bulong ko sa sarili habang luminga-linga sa paligid. Iilan na lang ang sasakyang naka-park dito. "Miss Gonzales," automatic na bumilis ang t***k ng puso ko sa narinig. "Sir Jared!" "Why are you still here? Hindi ba't oras na ng uwian?" seryoso niyang tanong. "A-hh e...m-may hinihintay ako sir..." "I see," sagot ni sir. "Ah, sir uuwi ka na?" "Yes, sasabay ka?" Shemays! Napangiti talaga ako. Parang ang bait niya ngayon? Hahaha! I mean talaga bang niyaya niya akong sumabay?! "Gusto ko sana sir..." sabi ko kaso naalala ko kung bakit nga ba ako naghihintay sa parking lot! "Pero may hinihintay pa talaga ako." "Okay, Mauna na 'ko." Napasimangot na lang ako habang nakasunod tingin kay sir na naglalakad papunta sa kotse niya. Sayang moment na eh! Huhuh naudlot pa! Teka, nasaan na ba yung lalaking yon?Ayos rin kausap, siya daw maghihintay! Eh siya naman pala 'tong hihintayin! At kapag hindi pa siya dumating aalis na talaga ako! "Mukha ka yatang nalugi?" Inis kong nilingon ang nagsalita. "Ewan ko sa 'yo!" "Bakit? Dahil hindi mo siya nakasabay?" Sabay turo niya sa sasakayan ni sir na papaalis na. "Hah?" "Diba may gusto ka sa kanya?" Nakangising sabi niya. Hindi ako nakapagsalita. "Ang cheap mo." "Ano?" gulat na gulat kong react. "Hoy! Ang kapal mo! Anong cheap dun ha!?" "Dahil masyado kang halata! Yung ngiti mo kanina nung kaharap siya daig mo pa ang nakalutang sa ulap!" "Natural! Pero hindi yun cheap! Ang kapal mo! Bawiin mo yung sinabi mo!" Imbis na sumagot ngumisi lang siya at tinalikudan ako. "Teka! San ka pupunta?!" Hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang itim na motor. At inabutan niya ako ng helmet. Takang taka naman akong kinuha yun. "Sakay." "Ha! San naman tayo pupunta aber?" pagsusungit ko. Seryoso niya akong tinignan sabay bigla siyang ngumisi. "Hindi ba't wala kang pambayad? Pwes, linisin mo yung apartment ko, sakay na! O gusto mo isakay pa kita?" "Hah! Oo nga't wala akong pambayad pero hindi ako sasama sayo! Sino ka ba ha? Eh kanina lang naman kita nikilala!" "Edi bayaran mo'ko ngayon?" sabay lahad niya ng palad.. "Wala nga akong pera!" "Yun na nga eh. Kaya wala kang choice kundi linisin ang apartment ko." "Pero kailangan ko ng umuwi!" Sinamaan niya ako ng tingin. Yung tingin niya kaninang nakakatakot! "Ang dami mong reason!" Sigaw niya. "Tanggapin mo na lang kasi yung sorry ko!?" Parang bata kong sabi. Bigla siyang tumawa pero sarkastic! Peke! "Huwag mo'ko idaan sa pa-cute Miss!" "Anong pa cute! Hindi noh! At hindi ko naman talaga sinasadya yung kanina!" "Kahit na kailangan bayaran mo." "Ang kulit mo rin sabing wala nga akong pera!" "Linisin mo apartment ko at tapos ang usap!" "Hindi nga pwede!" sagot ko! Kailangan makauwi ako dahil hahanapin ako ni Papsi! Huhuh. "Okay kung talagang ayaw mo wala akong magagawa" Nabuhayan naman ako sa narinig. "Talaga?" Nakangiti kong tanong. Thank you Lord! Mabait naman pala sya eh! Pinanuod ko siyang sumakay ng motor at sinuot ang helmet. "Oo at magiging girlfriend kita." Para akong nabingi bigla! "HINDI!" agad kong sagot. "Sige huli na 'to! Magiging girlfriend kita o lilinisin mo ngayon ang apartment ko?" Nyeta! Gusto ko siyang sakalin! Pigilan n'yo ako. "Lilinisin ko Apartment mo!" Labag na labag kong sagot. "Good! Sakay na!" "Oo na! Bwisit ka!" sagot ko. "At hindi kita type! Baka naman isipin mo gustong gusto kita maging girlfriend! Asa!" "Mayabang!" sabay inis kong sinuot ang helmet. "At least pogi!" Hindi na lang ako nagsalita! Umangkas na ako at ini-start niya ang motor. "Kumapit ka kung ayaw mo mahulog" "Tch! Alam ko yun! Sandali nga ano nga pa lang pangalan mo?" tanong ko. "Irven Rosales. Hmm, bakit interesado ka sa 'kin?" sabay ngisi niya. Pinanlakihan ko siya ng mata! "Ang kapal mo! Para lang may isagot ako sa tatay ko kung sino kasama ko!" "Tch! Sige sabi mo e, ikaw ano pangalan mo?" sabay seryoso niya. "Shira...Shira Gonzales." Hindi siya nagsalita at tinignan lang ako. "Tss ikaw yata interesado sa 'kin," mahinang sambit ko. "Asa!" sagot nito. Langya! Lakas ng pandinig! Halos mapasigaw ako ng patakbuhin niyaang motor ng sobrang bilis. Namalayan ko na lang ang sariling nakayakap ngmahigpit sa bewang niya sa takot na mahulog. "Ang kupad mo naman!" Sigaw ni Irven sakin habang naka-cross arm at nakasandal sa sofa nakataas ang paa sa center table ng señiorito! "Pwede ba manahimik ka dyan! Tulungan mo kaya ako!" Sagot at mangiyak-ngiyak na nagpatuloy sa pagpupunas ng sahig. Huhuh! Sarkastiko siyang natawa. "Tsk, paiyak ka na nyan? Pasalamat ka nga yan lang kapalit ng ginawa mo." Hindi ko na siya sinagot at nag-focus na lang sa ginagawa. "Oh! Pagkatapos mo dyan! Pagluto mo'ko, ha! Dapat paggising ko may pagkain na at tapos ka na! Sige matutulog muna ako!" Utos pa niya bago ako tinalikudan papasok ng kwarto niya. Sinamaan ko siya ng tingin at binato sa sahig ang basahan kong hawak. Lord bigyan n'yo po ako ng lakas na matapos agad ang ginagawa ko. Sa totoo lang, daig pa ang basurahan sa sobrang kalat ng apartment ni Irven! Iyong mga damit niya ay kung saan-saan nakalagay tapos parang hindi winawalsan ang sahig at sobrang dumi at lagkit. May kung anu-anong balat ng junkfood at bote ng alak ang nakakalat sa sahig, tapos sa kusina tambak ng hugasin at iniipis na! Wala ata talaga sa vocabulary ng Irven Rosales na 'to, ang salitang LINIS! Buti nakaka-survive siya ng ganito. At teka? Ano daw pagluluto ko pa siya! Anak ng sine-swerte nga naman. MAKA LIPAS ANG ILANG ORAS! Napangiti rin naman ako nang makita ang resulta ng paglilinis. Mula sa makalat na salas ay naging maaliwalas at makintab ang sahig. Pinaltan ko din ang cover ng sofa at mga kurtina. Hinugasan ko na rin lahat ng pinggan sa kusina at higit sa lahat nakapag-luto na 'ko. "Naks! Pwede ka na mag-asawa!" Wew! Bahagyang nanlaki ang mata ko ng makitang naka-topless lang siya! Habang busy sa paglilibot ng paningin sa kabuuan ng apartment niyang nilinis ko! Jusko! Hoy, may babae kang kasama loko ka. "Mabuti gising ka na," naiilang kong sabi at umiwas tingin. "Naamoy ko niluto mo eh, ano ba yan?!" Humihikab na saad niya habang kinakamot ang blonde niyang buhok! "Uhmm! Adobo, ‘yan lang nakita kong pwede lutuin e," sagot ko. "At saka swerte ka at specialty ko yan!" Proud kong sabi. "Sige subukan natin," nakangising sabi niya at inagaw ang tinidor kong hawak at walang gatol gatol na tinikman habang ako ay nakatingin maigi sa reaksyon niya. "Ano masarap ba?" Tinignan niya ako habang ngumunguya pa din. "Pwede na... Pwede ng pagtiyagaan!" Tuloy niya. "Ang kapal ng mukha mo!" asar kong sabi hindi ko inasahan ang biglang pagngiti niya. Shete. Aminado naman akong kahit kakaiba ang ugali ng kumag nato eh! Guwapo siya pero syempre mas guwapo ang babe ko! Speaking of! Shet! "Ah...Irven anong oras na?!" Bigla akong nagpanic. Patay! Kailangan ko ng umuwi. "Ten pm, bakit?" Baliwala niyang sagot habang kumakain na. "Kailangan ko na umuwi!" sabi ko at nagmadaling lumabas ng kusina para kunin ang bag ko, naramdaman ko naman ang pagsunod niya. "Teka.." pigil ni Irven. "Bakit?" "Kumain ka muna bago ka umalis, sige na sabayan mo ‘ko. Hindi mo ba alam masama 'yong umaalis habang may kumakain pa." Napaamang ako at kumunot ang noo. "Pero kailangan ko na talagang umalis! Paniguradong nag-aalala na si Papsi." "Alam ko at ako bahala sa 'yo, basta samahan mo muna akong kumain! Dahil wala naman five minutes ang pagkain maliban na lang kung tatagalan mo" Dahil ang dami niyang satsat, sinabayan ko na siya sa pagkain. Lokong, 'yon pwede daw pagtiyagaan yung adobo kong niluto. Eh, Ubos na ubos nga niya! Daig mo pang ngayon lang uli nakakain ng matinong pagkain. Kulang na lang himudin niya yung plato. "Sige na aalis na 'ko! Hatid mo na lang ako dun sa subdivision!" sabi ko kay Irven. "Sakay!" Ayoko sana magpahatid sa kanya dahil natatakot akong sumakay sa motor niya dahil hindi ko malilimutan kung gaano siya kabilis magpatakbo! Animo'y nakikipagkarera! "Irven, ayusin mo ha! Huwag mo bilsan parang awa muna." Narinig ko siyang tumawa at inistart na ang motor. Mabuti na lang ay nakinig naman siya sa 'kin. Hinatid niya ako hanggang subdivision nila sir gaya ng sinabi ko. Napansin kong patay na ang mga ilaw. Huhuh. Sorry Papsi! Dahan-dahan akong naglakad papasok. At binuksan ang pinto. Halos kapain ko pa kung nasan ang switch ng ilaw sa sobrang dilim. "Where have you been?" Halos mapatalon ako sa gulat ng buksan ko na ang ilaw. Tumingin ako kay sir na nakasalampak sa gilid ng bintana kung saan kita ang labas habang nakaharap sa laptop at may suot-suot na salamin sa mata. Shete, mas gwapo siya lalo! Pero bakit nga ba hindi ko siya na pansin!? Kung sabagay sobrang nasa sulok siya! "Ah..sir nandyan pala kayo" Sinara ni Sir ang laptop at tumingin sa'kin with his serious face saka siya tumayo papalapit."So, where have you been?" ulit niya. "Uh sir m-may ginawa lang," nauutal ko pang sagot. "Is that important? Para abutin ka ng alas onse ng gabi?" sabay sulyap ni sir ng malaki nilang orasan. Oo nga eleven na! Hmp! Pero kung alam mo lang sir! Kinawawa ako ng Irven na yun! Huhuh! Ginawa niya talaga akong mutsasa bukod dun ay pinagluto ko pa siya ng hapunan! "And you look tired," dagdag pa ni sir. Yes babe i'm so tired! Hug me! Sabat ng isip ko! Nakakabaliw na! "Heheh! Hindi naman sir! Ikaw po bakit gising ka pa?!" "Dahil hinihintay kita." "Po!?" Pakeneng! Shet! Tama ba ako ng nadinig!? Marang nawala ng parang bula ang pagod ko. Sabihin nyong tama ako! Dahil waaaah! Kikiligin na ba ako? "Tsk. I'm asking you where have you been? don't change the topic!" salubong na salubong ang mga kilay niya. Hihi. Ang cute. "Eh..sir iyong lalaki kaninang na bunggo ko at nasira ang project, pinabayaran niya sa 'kin kaso wala akong pera kaya ayun sumama ako at pinaglinis siya ng apartment bilang kapalit," pag-amin ko. "What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sir. "Uhmm..o-opo sir kaya ngayon lang ako nakauwi," kamot-ulo kong saad. "Are you out of your mind!" Bigla na lang niyang sigaw na talagang kinagulat ko. "B-bakit sir?" "Tsk! And now you're asking me why?! Bakit hindi mo na lang sa 'kin sinabi na sinisingil ka ng lalaking 'yon para ako na ang nagbayad?!" "Eh..sir problema ko naman 'yon e..." "Exactly! Pero hindi masamang lumapit sa 'kin! Kaysa sumama ka dun! Hindi mo naman kilala!" "Then what do you think? Nagbibiro ako? At pangiti-ngiti ka dyan?" Asar niyang sabi habang namumula. Nanatili akong nakangiti. "Hindi sir natutuwa lang ako. At saka salamat and sorry." "Tssk. Wag mo na lang ulitin, nag-aalala ang dad mo at sinabi kong ako na lang maghihintay sa'yo" mahinahon niyang sabi. Aaminin kong kilig to the bones talaga! Parang nakalimutan ko ang lahat ng ginawa ko sa apartment ng walangyang Irven na 'yon. Well, sana hindi na magtagpo ang landas namin. "Salamat talaga sir hehe!" "How many times do I have to tell you. We're not in school, so stop calling me sir." "Eh...ano nga kasi gusto mong itawag ko?" Nakangiti kong sabi habang naiisip na maganda sana kung babe! Char. Hahah. "Nevermind! Umakyat ka na nga sa taas." "Yes sir!" masigla kong sabi at sumaludo pa. Iling-iling siyang umupo sa sofa at binuksan muli ang laptop niya. "Wait!" "Bakit sir?!" TUG.TUG.TUG. "Ipagtimpla mo'ko ng kape," seryoso niyang sabi. Dahil siya si Sir Jared Sevilla. Wala alinlangang mabilis ko siyang pinagtimpla ng kape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD