I found myself kissing him back. Siguro nadala ako sa tama ng alak at ito ako, nagpapahalik sa lalakeng ngayon ko lang nakilala. Habol ko ang hininga ko nang ihiwalay niya ang mga labi niya sa akin. Nakatingin siya sa akin. Maliwanag ang buong paligid dahil sa mga ilaw kahit gabing-gabi na. Kaya naman ay kitang-kita ko ang nag-aapoy niyang mga matang nakatitig sa akin. Mas matangkad siya sa akin kaya nakatingala ako sa kanya. His hands were still wrapped on my back. Nararamdaman ko ang init niyon kahit na basang-basa na kami ng tubig-dagat. Naka-polo shirt siya na sinadya niya yatang hindi ibutones. Nasisilip ko tuloy ang mga pandesal. Para bang tinatawag ako ng mga iyon na hawakan ko sila. Nakakatakam, goodness! Ang landi ko pala kapag nalalasing. "Ayaw ko nang magpaliguy-ligoy pa,"