“Grabe ang cute mo kapag ganyan ang hitsura mo.” Halatang naiilang na si Tiger dahil halos isang oras na yata akong nakatitig sa kanya. Grabe, patay na patay pa rin ako sa kanya. “Are you sure? You prefer this kind of look for me?” tanong niya saka inayos ang salamin niya. Muli akong napatitig sa kanya. Nakabagsak na ang buhok niya at tinanggal niya na rin ang contact lens niya kaya nakasalamin na siya ulit ngayon. “Oo nga, saka alam ko naman na sa ganyan ka mas komportable,” sabi ko saka lumapit sa kanya at inayos ang buhok niya. Saglit kaming natahimik pareho habang nakatitig sa isa't isa. Sinasaulo ko ang bawat detalye ng mukha niya na talagang namiss ko. Nandito kami ngayon sa unit niya. Pagkaalis namin ng bar, agad kaming bumili ng salamin niya. Tuwang tuwa talaga ako nung suo